Insomnia
January 15, 2006 | 12:00am
Hindi ako makatulog
Kahi’t anong gawin ay hindi mapikit
Yaring mga mata
Na laging wala rin nakatitig;
Ang antok na diwa’y
Mulat na mulat pa at ayaw kumapit
Sa maraming diwang
Ngayo’y naroon na sa ibang daigdig!
Ang ibang daigdig
Na sinasabi ko’y daigdig nang tulog
Yaon bang ang puso
At saka ang diwa’y doon nakatutok;
At ngayong pagod na
Ang puso’t isipan sa paghihimutok
Ano’t ayaw pa ring
Ang ulilang puso’y dalawin ng antok?
Pagod na pagod na
Ang aking isipan sa mga inisip
Subali’t ang puso
Ayaw pang mahimlay di pa rin maidlip;
Ang tanong ko ngayon
Ay maraming tanong at maraming bakit
Ito ba’y parusa
Sa nagawang linsil kaya di maidlip?
Pagod na ang diwa
At pati ang puso’y ibig nang bumigay
Sa tindi ng dusa
Na ngayo’y kapiling sa aking higaan;
Subali’t ang tulog
Na hinahangad kong sana ay dumatal
Mag-uumaga na’y
Gising pa ang diwa sa tudla ng araw!
Kahi’t anong gawin ay hindi mapikit
Yaring mga mata
Na laging wala rin nakatitig;
Ang antok na diwa’y
Mulat na mulat pa at ayaw kumapit
Sa maraming diwang
Ngayo’y naroon na sa ibang daigdig!
Ang ibang daigdig
Na sinasabi ko’y daigdig nang tulog
Yaon bang ang puso
At saka ang diwa’y doon nakatutok;
At ngayong pagod na
Ang puso’t isipan sa paghihimutok
Ano’t ayaw pa ring
Ang ulilang puso’y dalawin ng antok?
Pagod na pagod na
Ang aking isipan sa mga inisip
Subali’t ang puso
Ayaw pang mahimlay di pa rin maidlip;
Ang tanong ko ngayon
Ay maraming tanong at maraming bakit
Ito ba’y parusa
Sa nagawang linsil kaya di maidlip?
Pagod na ang diwa
At pati ang puso’y ibig nang bumigay
Sa tindi ng dusa
Na ngayo’y kapiling sa aking higaan;
Subali’t ang tulog
Na hinahangad kong sana ay dumatal
Mag-uumaga na’y
Gising pa ang diwa sa tudla ng araw!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended