Sa rehimeng Marcos, ang utang ng NAPOCOR ay $1.3 bilyong hanggang $3.6 bilyon lang. Nabago ang takbo ngayon. In fairness to former President Aquino, ang utang ay umabot lamang sa $2.9 milyon. Umupong Presidente si Fidel Ramos at dun lumubha ang sitwasyon. Umakyat sa $5.9 bilyon ang utang. Siya ang nakipagkontrata sa mga kontrobersyal na independent power producers (IPP) na aniyay magpo-produce ng karagdagang kuryente para tustusan ang pangangailangan ng mga industriya. Hindi sumigla ang industriya kaya may oversupply ng kuryente na obligadong bayaran sa mga IPP kahit hindi nagagamit ang kuryenteng pino-prodyus. Hugas-kamay daw si dating NAPOCOR chief Guido Delgado sa mga problema sa NAPOCOR. Pero mahirap paniwalaang wala siyang partisipasyon. Nang manungkulan si Joseph Estrada, ang $3.6 bilyong utang na minana kay Ramos ay naging $6.1 dahil sa tubo o interes, hanggang sa pagpasok ni GMA sa eksena. Matapos ang anim na taong panunungkulan ni GMA, $9.1 bilyon na nga ang utang at lumalaki pa sa walang habas na pangungutang ng NAPOCOR.
Natatandaan ba nyo na nung Enero 24, 2001, hindi pa man lubos na nale-legitimize ang pagluklok ni GMA sa poder ay pumasok ang kanyang administrasyon sa kontrobersyal na multi-bilyong pisong power deal na inaprobahan ng nooy Justice Secretary Hernando Perez? Masyadong instant kaya nabuking ang sinasabing pangingikil ng $2 milyon. Ngayon, monster na ang NAPOCOR mafia. Walang magawa ang administrasyon para putulin ang sungay nito.