^

PSN Opinyon

Malalim ang hinaing ng mga sundalo

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
DUMADAMI na ang mga military officers ang hindi na makatiis sa mga kamaliang nakikita nila sa loob ng sandatahang lakas, at isa-isa na silang nag-sasalita. Of course si Captain Faeldon ay dati nang kumilos dahil kasama siya sa Oakwood. Bago si Capt. Faeldon lumabas ulit sa balita, lumantad itong si General Gudani, at ngayon naman nandiyan si Colonel Daquil. Kalian pa ba makikinig ang ating gobyerno sa hinaing ng mga sundalo? Dahil sa pagka-bisto dito kay General Garcia, obvious na talaga na tama nga sina Leutenant Trillanes, Captain Faeldon at ang iba pang sumama sa Oakwood.

Ito namang si Colonel Daquil, hindi ba’t napakalinaw at very specific naman ang kanyang binunyag? Ano naman ang masama doon sa sinabi nya? Lalo na kung totoo naman ang kanyang sinabi? At bakit ihaharap pa daw sya sa court martial dahil daw nagsalita siya sa labas ng military organization? Katulad din yan ng nangyari sa Oakwood, hindi ba sinabi nila na umabot sila sa ganoon dahil hindi naman daw sila pinakinggan sa loob?

Sinabi ni Colonel Daquil na ang mga heneral daw ay may illegal allowance na P45,000 each. Hindi ba madali lang naman malaman kung totoo yan o hindi? Hindi ba’t may sarili namang Ombudsman ang military kaya dapat ay noon pa yan nakita? Baka naman ang Ombudsman nila ay may allowance din kaya matahimik?

Kung totoo ang sinasabi ni Colonel Daquil, lumalabas na na-traidor ng mga heneral ang sarili nilang mga tauhan, dahil supposed to be pare-pareho lang naman silang umaasa sa suweldo. Of course di maiwasan na may mga special privilege talaga ang mga officers, ngunit sobra namang unfair kung napakalaki ang extra allowance ng mga heneral, samantalang parehong panganib naman ang kanilang hinaharap. Pambihira ang katapangan na ipinakita nina Trillanes, Faeldon at Gudani, ngunit sa pagkakaalam ko, hindi naman bihira ang kanilang uri sa military, dahil marami pang katulad nila ang naghihintay ng tamang panahon upang lumantad.
* * *
Tune in to "HELLO SA IYO PILIPINO" on DZAR AM radio 1026 KHZ Mon to Fri 7 to 8 PM. Join the OFW Family Club. Visit www.ofwfamilyclub.com Text AMBA at 09224143582, call 5267522 or 5267515 or email him at [email protected]

vuukle comment

CAPTAIN FAELDON

COLONEL DAQUIL

FAELDON

FAMILY CLUB

GENERAL GARCIA

GENERAL GUDANI

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with