^

PSN Opinyon

Ang mga tricycle ng Quezon City

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
KAMAKAILAN ay inilabas ng Asian Development Bank ang resulta ng pag-aaral na isinagawa tungkol sa pagpapababa ng polusyon mula sa mga tricycle. Dalawang uri ng polusyon ang sinuri: Ang ingay, at ang usok.

Quezon City ang napiling pilot area. Bakit? Dahil ang Quezon City ang may pinakamaraming rehistradong mga tricycle: Mga 20,316 daw noong 2004.

Medyo may kalituhan ang bilangan sa dami ng mga tricycle. Noong 2001, sinasabing mayroong 1.3 milyon na mga rehistradong tricycle sa buong bansa, at ang 900,000 sa mga iyon ay nasa Metro Manila. Noong 2003 naman, may 900,000 daw na mga tricycle sa buong bansa, at 180,000 ang nasa Metro Manila. Ngunit alinman sa mga numerong ito ang tama, hindi maitatatwa na napakaraming mga tricycle sa Kamaynilaan.

Tinatayang sa buong bansa, ang mga tricycle ay bumubuo sa isa sa bawat tatlong sasakyang de-makina. Kung mayroong anim na milyong sasakyang de-motor sa kapuluan, dalawang milyon dito ay mga tricycle.

Iminungkahi ng ADB na tangkilikin ng pamahalaang-lungsod ng Quezon City ang mas episyenteng uri ng mga sasakyang pampubliko, tulad ng multicab. Mas mababa raw ang emisyon ng usok at ingay ng multicab kung ikukumpara sa tricycle. Mas marami pa raw pasahero itong naikakarga.

Ayon sa nasabing pag-aaral, ang taglay na carbon dioxide ng hangin sa Quezon City ay apat na porsiyento, o doble sa nararapat upang maituring na malinis na hangin. Ito raw ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa Quezon City ay nakakaranas ng kakapusan sa paghinga, paninikip ng dibdib, madaling pagkapagod, pagiging irritable o masungit, pagsakit ng ulo, at pagkahilo. Pero tila hindi tinatablan ang mga tricycle drivers ano? Kayod pa rin sila, sige pasada.

Tungkol naman sa ingay, nasukat na ang Quezon City ay may ingay na halos 110 decibels. Ang pandaigdigang standard ay 77 decibels lamang. Sinasabing ang pangmatagalang pagkababad sa ingay na lagpas sa 80 decibels ay maaaring magsanhi sa pagkabingi. Tila kapani-paniwala ito, dahil hindi na yata naaapektuhan ang mga tricycle drivers ng ingay ng kanilang mga sasakyan, at dinadagdagan pa nga ng malakas na busina o patugtog ng radyo ang ingay ng makina.

Ngunit ewan lamang kung ano naman ang panukala ng ADB tungkol sa mga hanapbuhay na maipapalit sa pagtra-tricycle. Hindi naman puwedeng palitan ng 20,300 multicabs ang 20,300 na tricycle, dahil sa grabeng trapik na idudulot nito sa Quezon City.

Hindi mapapalitan ang mga tricycle nang ganoon kadali. Sa halip, higpitan na lamang natin ang pagpapatupad ng mga regulasyon ukol sa usok na ibinubuga ng mga ito. At ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga samahan ng mga tricycle operators at drivers ukol sa wastong pangangalaga ng makina upang mabawasan ang polusyon.

ASIAN DEVELOPMENT BANK

CITY

INGAY

METRO MANILA

NGUNIT

NOONG

QUEZON

QUEZON CITY

TRICYCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with