Editorial - Ipagbawal ang rugby
January 7, 2006 | 12:00am
Bangag ako sa rugby," iyan ang sinabi ng suspect na si Ronald Dacrama, 26, kaya niya sinaksak bago ginahasa ang anim na taong gulang na si Ericka Estardo noong Dec. 30, 2005. Bukod kay Dacrama, dalawa pang suspects, sina Jeffrey Quilatan, 21 at Erick Garin, 29 ang naaresto ng Las Piñas City police. Pawang lango sa rugby ang tatlo nang isagawa ang karumal-dumal na pagpatay at panggagahasa sa inosenteng biktima. Labindalawang beses sinaksak ang bata. Natagpuan ang walang buhay na katawan ng bata sa isang abandonadong bahay sa Doña Julita Subd. Pulang lupa. Hanggang sa sinusulat ang editorial na ito, nananatiling shock ang mga magulang ng bata. Hindi makapaniwala na sa ganoon kalupit na kamatayan hahantong ang kanilang anak.
Bangag sila sa rugby kaya nagawa ang ganoong karumal-dumal na krimen. Ang solvent na ginagamit na pandikit matapos langhapin ay nagdulot sa pagkapraning ng tatlong lalaki. Masama na ang nangyayaring ito sa lipunan. Pinuproblema na ang shabu, marijuana at mga cough syrup na pampabangag at heto ngayon at mas matindi ang tama ng rugby na nagawang gahasain at pagsasaksakin ang inosenteng bata.
Nagkakatulad na ang shabu at rugby sa laki ng pinsalang nagagawa sa kukote. At maaaring higitan pa ang nagagawa ng shabu sapagkat madaling bilhin ang solvent. Bukod sa madaling bilihin ay napakamura pa. Simpleng gamitin na hindi katulad ng shabu na kailangan pa ng tooter o ng kung anu-anong paraphernalia. Kapag nakabili ng rugby sa hardware store o sa karaniwang tindahan, ipapahid lamang ang kapirangot na rugby sa loob ng plastic at maaari nang singhutin. Ganoon lamang kasimple at ilang saglit lamang ay bangag na. Umiikot na ang mundo at nakalilimutan na ang lahat.
Ipagbawal ang rugby! Ito lamang ang tanging paraan para mapigilan ang pagka-addict sa solvent na ito. Kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan sa problemang ito sa rugby, marami pa ang mabibiktima ng mga rugby boys o rugby girls.
Nagkalat na ang mga rugby boys/girls sa Metro Manila at tila hindi ito napapansin ng mga pinuno ng bayan, kapulisan o ng Department of Social Welfare and Development. Maraming mga batang rugby sa likod ng Isetann Carriedo, Manila; sa kanto ng Doroteo Jose St., Manila; Cubao QC at Taft Avenue, Pasay City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest