Sinabi niya na sa United States ay maraming na-diagnosed na may diabetes dahil sa sobrang katabaan at karamihan sa mga bagong kaso ay dulot ng kakulangan sa pag-eehersisyo.
Pabalik-balik si Dr. Talusan sa US sapagkat ang kanyang mister si Dr. Antonio Talusan ay naka-base sa Texas.
Sa pakikipag-interaction ng mag-asawa sa ibat ibang international doctors nabatid nila na mahalaga ang exercise gaya ng paglalakad, pagsasayaw, gardening, paglalaro ng bowling at iba pang physical activities para maiwasan ang diabetes. Napatunayan na sa mga kaso ng overweight ay hirap ang katawan nilang tumanggap ng insulin.
Ipinapayo sa kanila ang low fat diet. Mapupuna na maging ang mga taong umeedad ng 20 anyos pataas ay nagkaka-diabetes na nauuwi sa pagkabulag, kidney failure, sakit sa puso at stroke.