^

PSN Opinyon

Bagong Taon bagong kapalaran

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Bagong Taon ngayon -— bagong kapalaran -—

Sa ganitong paniwala tayo’y nananangan;

Kaya ang pag-asa nitong sambayanan

Laging nasa puso kahi’t noon pa man!

Ang pag-asang ito’y siyang bumubuhay

Sa maraming bigo’t kawawa ang buhay;

Ito’y pag-asa ring hindi nawawalay

Sa sagad sa dusa’t ang diwa’y lupaypay!

Katulad ng ngayo’y ating nadarama

Saanman itudla ang ilaw ng mata;

Ang mga pulubi’y lalo pang salanta

Pagka’t ang mayama’y ayaw kumalinga!

Marami ring bigong mga negosyante

Hangad na progreso’y naiwan sa tabi;

Kahi’t anong gawin sa pagdidiskarte

Waldas ang puhunan -— nababankarote!

At lalong maraming mga pulitiko

Hindi rin makamit hangad na asenso;

Siya ay matapat maglingkod sa tao

Pero itong bansa’y di rin nagbabago!

Sa mga tahanan ang ama at ina

Nagsisikap nama’y sawi ring talaga;

Sa araw at gabi pati sa umaga

Sila’y walang tigil di sapat ang kita!

Kaya nga maraming tuwing Bagong Taon

Pawang umaasang sasagana ngayon;

Ang masamang s’werte na sinapit noon

Ngayo’y gaganda na at sila’y susulong!

Kaya’t Bagong Taon ay isang simbulo

Di dapat mawala pag-asa ng tao;

Kung walang pag-asa mabubuhay tayo

Na walang ginhawang hangarin sa mundo!

BAGONG TAON

HANGAD

KAHI

KATULAD

KAYA

LAGING

MARAMI

NAGSISIKAP

NGAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with