Maraming taong gobyerno ang nagpasasa at patuloy na nagsasamantala sa kabang-yaman ng bayan. Ilang heneral ang napatunayan na nagkamal ng ill-gotten wealth subalit lahat ng material things and comforts na tinamasa nila ay naglahong parang bula. Hindi kaya nakokonsensiya ang mga government officials na ito na naatim nilang pakainin ang kanilang pamilya sa bunga ng kanilang pangungurakot at katiwalian?
New Years resolution nang maraming estudyante na pagbubutihin nila ang pag-aaral sa taong ito. Sa halip na maglamyerda, mag-malling at gumimik ay magko-concentrate sila sa kanilang studies. Daapt lang dahil ang salaping ginagastos nila sa pag-aaral ay pinaghirapan ng kanilang mga magulang.
Meron pang naglilista ng kanilang New Years resolutions. Ang payo ng BANTAY KAPWA sa kanila ay humarap sila sa salamin at kausapin ang kanilang reflection na animoy budhi nila ang nag-uusap. Tanungin kung siyay tapat o plastik, mainggitin, mapagsamantala at sinungaling.