^

PSN Opinyon

Purihin si Gen. Querol sa sandamukal na accomplishment

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISANG maalab na pagbati ng Manigong Bagong Taon sa inyo mga suki?

Sa pagpasok ng Bagong Taon, nais kong purihin ang kapulisan sa pamumuno ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol bunga sa sangdamukal nilang accomplishment para maging mapayapa ang Metro Manila noong nagdaang taon. Sa ilalim ng liderato ni Querol, matiwasay ang Kamaynilaan at masasabi kong napawi ang pangamba ng sambayanan ukol sa threat ng mga kriminal at terorismo, di ba mga suki? Banggitin ko na ang SONA ni President Arroyo, ang All Saints Day celebration, ang Christmas Day at New Year’s celebrations at nakita ang kapulisan sa kalye na handang magserbisyo sa publiko. Isama ko na diyan ang SEA games at PARA games at matiwasay itong na-secure ng NCRPO na walang nangyaring kaguluhan, maliban sa ilang minor incidents lamang.

Kung ang Palasyo at si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ay nakangiti sa ngayon, ’yan ay dahil sa accomplishments ni Querol. Maaaring masabi ko na nakalimutan ni Querol ang problemang dulot ng mga video karera ng mga pulis na sina Jerry Peralta at Romy Malang ng QCPD, at mga kaalyado nila na sina Renel Bernardo, Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers subalit noon ’yon dahil masyadong busy sila sa pagpangalaga ng katahimikan ng Kamaynilaan.

Kaya sa pagpasok ng taon, titiyakin ko mga suki, maaaring bilang na ang mga araw ng mga pulis-QCPD na sina Jerry Peralta at Romy Malang, at mga kasamahan nilang sina Renel Bernardo, Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers. Isama ko na ang pulis-SPD na si SPO1 Paeng Lipata na may makina sa Muntinlupa City, sina Oye Santos at Len Oreta sa Malabon, at Oye Santos uli at Ronald Viscarra sa kaharian ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe. He-he-he! Ang daming hahabulin ni Querol sa taon na ito, no mga suki?

Siyempre, tama rin ang ginawa ni Lomibao na papurihan ang elemento ng Manila Police District (MPD) bunga sa magandang ipinakita nila sa kanilang trabaho lalo na sa pag-secure nga ng SEA Games. Nilibot kasi ni Lomibao ang limang distrito ng pulisya nitong nakaraang araw at pinapurihan sila sa kanilang serbisyo publiko. Kung itong accomplishments ng NCRPO sa pamumuno ni Querol kasi ang gagawing basehan, tiyak umangat na ang acceptance rating ng PNP natin sa publiko, di ba mga suki? Ang kasama sa pinarangalan ni Lomibao ay sina Sr. Supt. Danilo Abarsoza, ang deputy chief for operations ng MPD at si Supt. Marcelino Pedrozo, ang Station 9 commander bunga sa matagumpay na SEA games. Kaya ang mga taga-MPD ay taas-noo sa ngayon hindi dahil sa papuri ni Lomibao kundi maging ng iba’t ibang sector ng sociedad natin. At tulad ni Querol, kaya hindi masupil-supil ng taga-MPD ang naglilipanang saklaan ni Louis Ponga Jr., ng Malabon sa sakop ng Station 1 at Station 2 dahil abala sila sa SEA games. Dapat tuklasin ni Abarsoza kung saan napupunta ang ipinagyayabang ni Ponga Jr. na P135,000 na lingguhang intelihensiya n’ya sa matataas na opisyales ng MPD. Pinuri rin ni Lomibao itong sina Chief Supt’s. Nicasio Radovan ng QCPD, Oscar Valenzuela ng SPD, Raul Gonzales ng NPD at Wilfredo Garcia ng SPD. Lahat sila maganda ang ginawang trabaho noong nakaraang taon na dapat duplikahin nila sa taong ito. Kaya makakatulog na nang mahimbing sa ngayon ang sambayanan dahil sa dedikadong trabaho nina Abarsoza, Radovan, Valenzuela, Gonzales at Garcia. Abangan!

BENNY ANG

ERIC FRANCISCO

JERRY PERALTA

KAYA

LITO MISON

LOMIBAO

MEL ESPINOSA

OYE SANTOS

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with