Pati mga binigyan niya ng magaganda at maimpluwensiyang mga posisyon sa gobyerno ay pinalalayas siya sa Malacañang.
Kapansin-pansin nga ang paglubay sa mga panawagan kay GMA na mag-resign. Humupa ang galit ng mga kalaban ni President Arroyo.
Sa palagay ko, sang-ayon si President Arroyo sa planong Charter change ni dating President FVR at ni Speaker Joe de Venecia. Kasama sa plano ay ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. Mula sa presidential ay magiging parliamentary. Ang magpapatakbo ng pamahalaan ay prime minister. Sa pagkaalam ko, puma-yag na si President Arroyo na iklian ang kanyang termino. Sa halip na 2010, hanggang 2007 na lamang siya.
Sa tingin ko, matutuloy ang pagbabago ng Konstitusyon ayon sa plano nina FVR at JDV na sinasang-ayunan naman ni President Arroyo. Narinig ko, ayos na raw lahat sa Kongreso pero may narinig din naman akong malabong-malabo pa ito sa Senado. Hindi raw papasa sa mga senador dahil mawawala na sila sa mundo. Magiging katulad na rin sila ng mga kongresista na ordinaryong miyembro ng parliament. Iniisip ko kung ano ang mangyayari kay GMA.