^

PSN Opinyon

Bakit tahimik si Cainta Mayor Mon Ilagan sa problema ng video karera ni Bernardo?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY katwirang magyabang si Renel Bernardo, ang video karera operator sa Cainta sa probinsiya ni Rizal Gov. Yto Ynares. Kasi hanggang sa ngayon, tuloy pa rin ang operation ni Bernardo, at hindi man lang kumikibo si Sr. Supt. Freddie Panen, ang director ng Rizal PNP. Tulad kaya ni Cainta police chief Supt. Pierre Bucsit na tumatanggap ng P25,000 weekly kay Bernardo, mayroon ding parating si Panen? Tiyak ’yun, anang mga kausap ko sa Manila Police Department (MPD). At bakit tahimik din si Cainta Mayor Mon Ilagan sa problemang dulot ng video karera ni Bernardo? Nakarating na kaya ang padulas ni Bernardo sa bulsa ni Mayor Ilagan? Malaki pa naman ang respeto ko kay Mayor Ilagan at nawala itong parang bula dahil lang sa video karera ni Bernardo na nagkalat sa ngayon sa Cainta. Kaya tiyak happy sina Ilagan, Panen at Bucsit ngayong Kapaskuhan. Ang naiwan lang na tulala at walang laman ang bulsa ay ang mga residente ng Cainta na naaadik na sa video karera. He-he-he!

Humahalakhak tiyak sa ngayon ang mga kalaban ni Ilagan sa pulitika. Kasi may ebidensiya na sila na hindi serbisyo sa publiko ang nasa utak ni Ilagan kundi iba. Napag-usapan na rin lang ng video karera, dapat din sigurong magbantay si NCRPO chief Dir. Vidal Querol dahil baka ulanin ng video karera ang kanyang sakop bunga sa pagsara ng mga makina sa Bulacan. May balita kasi ako na ang isinarang makina sa Bulacan ay ibababa sa Metro Manila ngayong Pasko para kumita nang limpak- limpak na salapi ang mga operator nito tulad ni Bernardo. Kaya hindi lang dapat mga kriminal at terorismo ang bantayan ni Querol kundi maging ang mga video karera ng grupo ni Bernardo. Hindi lang pala si Bernardo ang pinakamalaking video operator sa Metro Manila kundi may iba pa. May pulis pa nga sa kanilang hanay.

Para sa kaalaman ni Querol, ang mga sikat na video karera operator na sakop niya ay sina Bernardo, mga pulis na sina Jerry Peralta at Romy Malang, Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers. O hayan, kumpleto na ang listahan mo Gen. Querol, Sir, puwede mo na silang hambalusin.

Hindi lang ’yan. Siyempre, tuloy pa rin ang operation ng makina ni Oye Santos, ang dummy ni Len Oreta na kapatid ni Mayor Tito Oreta sa Malabon. Si Oye Santos at alyas Ronald sa Parañaque City, si SPO1 Paeng Lipata sa Muntinlupa City at si Raymond sa Pasay City. Sa Maynila naman, tuloy din ang video karera sa Baseco compound na ang mga operator ay mga pulis din. Ang hindi ko maintindihan, may order of battle ang NCRPO laban sa mga pulis na sangkot sa video karera subalit tahimik lang sila. May maganda kayang cash-sunduan ang mga operator ng video karera at mga bataan ni Querol? He-he-he!

BERNARDO

CAINTA

ILAGAN

KARERA

LANG

MAYOR ILAGAN

METRO MANILA

QUEROL

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with