^

PSN Opinyon

Sindikato ng droga sa airport nabutata!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
CONGRATS sa mga newly elected officers ng Laong Laan 185 ng Free and Accepted Masons of the Philip-pines dahil nahalal ang mga kapatid natin na sina Atty. Biong Garing, bilang Worshipful Master, Sonny Regala, Senior Warden, Danny Gutierrez, Junior Warden, Gene Cortez, treasurer, Atty. Beda Epres, secretary, Johnny Flaviano, auditor at siyempre sa lahat ng mga myembro nito. Mabuhay kayo!

Ang isyu, nabukayo pala ang mga illegal drugs na ipupuslit ng mga kamote sa airport. Hindi kasi sila tumimbre kaya hayun semplang ang epektos?

Galit na galit si NAIA Customs Collector Boysie Belmonte sa pangyayari dahil ginagamit ang kanyang territory sa kawalanghiyaan ng mga drug dealers.

Aktibo kasi ang mga galamay ng druglords ngayon sa paliparan simula nang lumipat ang kalaban mortal ni Goliath sa NAIA from postal. Akala kasi ng gago dehins siya tinitiktikan ng mga ahente nagmamanman sa kanya.

Wanted ngayon ang isang Pinay na supplier ng droga from Bangkok kaya tahimik ang mga taga-bureau kasi kakalawitin nila ito pagdating sa Manila. Sabi nga, secret muna ang pangalan para dehins mabulabog ang operasyon.

Madalas palang lumabas ng Philippines ang Pinay na wanted halos buwan-buwan ay bumibiyahe ito sa abroad kaya pinalalagay ng mga tulisan este mali kapulisan pala na pirming may dalang illegal drugs ang kamote.

Nasa PDEA ngayon ang drogang nakumpiska ng mga tauhan ni Boysie para pag-aralan kung anong klase ang mga ito.

Anim na kilong tabletas ang ilalabas sana ng isang Jeorly Maghari na naka-hide and seek sa apat na karton ng cut flower at five bundles ng iba’t ibang ibang flowers from Bangkok.

Nagpunta kahapon sa arrival area ang mga bossing ni Boysie na sina BoC Commissioner Alexander Arevalo, Deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement Celso Templo at Lt. Col. Roger Lacson para usisain ang pangyayari.

Nagbabala si Celso sa mga tauhan ng BoC sa NAIA na mag-ingat sa mga ganitong klaseng operasyon dahil hindi titigil ang international drug syndicate sa kanilang kagaguhan hanggang dehins nakakapasok ang kanilang produkto.

‘‘Bakit ba nahuli si Joerly sa Customs arrival area?’’ tanong ng kuwagong sumisinghot ng rugby.

‘‘Nataranta at na-profile ng mga magagaling na Customs examiners na sina Samuel Saed at Malrose Ellego’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Tiyak may mamamatay dito dahil nabuko ang operasyon ng droga kahit na may nakinabang todits?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Sino ang nakinabang sa pitsa ng illegal drugs?’’

‘‘Iyan kamote ang dehins puwedeng sabihin.’’

‘‘Bakit?’’

"Ayaw ko eh!’’

BAKIT

BEDA EPRES

BIONG GARING

BOYSIE

COMMISSIONER ALEXANDER AREVALO

CUSTOMS COLLECTOR BOYSIE BELMONTE

DANNY GUTIERREZ

DEPUTY COMMISSIONER

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with