^

PSN Opinyon

‘Dapat principal si Gen. Kintanar… Demetriou’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Naging bisita ko si former Justice HARRIET DEMETRIOU, abogado ng pamilya ni Nida, sa aking tanggapan at napag-usapan namin ang resolusyon na inilabas ng 3 man panel na nagsagawa ng Preliminary Investigation sa Nida Blanca murder case.

Dismayado sila ni Kaye Torres anak ni Nida sa pagkadawit ni Gen. Galileo Kintanar bilang ACCESSORY lamang sa kaso ni Nida.

"Gusto ko lamang itama ang maling ikinakalat na balita na galing sa kampo si Atty. Anthony Fadullon na kaya galit kami dahil nadawit si Elena dela Paz. We don’t care about Elena. Let the axe fall where it should. Inuulit ko. Wala kaming sinasanto sa kaso ni Nida dahil gusto namin ang katotohanan," mariing sinabi ni Harriet sa akin.

Ang totoo niyan, natakot sila kay Gen. Kintanar, ayon na rin kay Harriet. Si Kintanar daw at the least should be an ACCOMPLICE at ang dapat nga daw ay PRINCIPAL dahil lumalabas siya ang nagbigay ng mga taong diumano’y pumatay kay Nida, nagbigay diumano ng kotse na ginamit sa pagsurveillance kay Nida at hanggang sa huli sinubukang pagtakpan ang pagpatay kay Nida sa pamamagitan ng "damage control."

"Many witnesses swore that meetings were held at Gen. Kintanar’s office prior to Nida’s disappearance and subsequent murder. Bakit ACCESSORY lang siya?" tanong ni Harriet.

Nakahanda sina Harriet na mag-file ng kaukulang aksyon para maitama ang palagay nilang mali sa resolusyon na inilabas ng 3 man panel na kinabibilangan nila Fadullon, Non at Abad.

Kinausap din ni Harriet si Sec. Raul M. Gonzalez sa telepono para humingi ng paumanhin sa kanyang "outburst" nung araw na yun at agad naming tinanggap ng kalihim ang apology ni Harriet.

"If I apologized to the Secretary, Fadullon and Non should also do the same thing because as we were speaking they kept on whispering and sneering at the back of us as if making a mockery of the whole conference," galit na sinabi ni Harriet.

NGAYON PARA SA ATING ARTIKULO…

Nagtungo sa aming tanggapan si Rubbie Perdon, 24 taong gulang ng Pinagkaisahan, Makati City upang humingi ng tulong hinggil sa pagkakapaslang ng kanyang ama at tiyuhin.

Ulila na sa ina sina Rubbie at mga kapatid nito at muling naulila matapos paslangin ang ama nitong si Romeo Perdon, 46 taong gulang, noong ika-4 ng Setyembre 2005 nang bandang alas-6 ng hapon ng maganap ang insidente sa Brgy. Kabulusan, Gen Aguinaldo, Cavite.

Ala-una ng tanghali bago maganap ang insidente kasalukuyang nasa videoke bar ang biktimang si Romeo at masaya itong kumakanta. Nagkataon namang nandoon din pala ang suspek na Esperidion Bencito alyas Efren na isang konsehal sa kanilang barangay sa Brgy. Kabulusan.

"Habang kumakanta daw ang tatay ko bigla na lamang daw itong siniko ni Esperidion pero hindi na nga lang daw pinansin upang makaiwas sa gulo at patuloy pa rin ito sa pagkanta," sabi ni Rubbie.


Matapos maglibang sa pamamagitan ng pagkanta at pag-inom ng alak napagpasiyahan nang umuwi nito ng bahay para makapagpahinga. Samantala bandang alas-6 ng gabi nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Romeo at Esperidion.

"Dati nang pinagtatalunan ang tungkol sa punong mangga na nakatanim sa pagitan ng mga bahay ng aking ama at ni Esperidion. Kapag daw namimitas ng mga bunga ng mangga ang mga pinsan ko ay ikinagagalit ng asawa ng suspek, si Leonisa," kuwento ni Rubbie.


Nais ni Romeo na putulin na lamang ang puno ng mangga kesa naman madalas nila itong pagtalunan sa tuwing kukuha ng bunga ang mga pamangkin nito. Hindi naman pumayag si Esperidion hanggang sa nagkainitan na ang dalawa.

Dahil sa pagtatalo nina Romeo at Espredion, lumabas ng bahay si Jaime Perdon, kapatid ni Romeo upang alamin ang pagtatalo nang dalawa.

"Napatakbo si tiyo Jaime upang makiawat sa dalawang nag-aaway subalit hindi pa nakakalapit ang tiyo ko ay bigla na lamang itong pinaputukan ng baril ni Esperidion hanggang sa bumagsak na ito," salaysay ni Rubbie.


Samantala napagtakbo na rin ang isang kaanak ng mga biktima na si Valeriano pero bago pa man ito makalapit ay isinunod na rin nitong barilin si Romeo. Matapos na barilin si Jaime, isinunod naman nito si Romeo.

"Pagkatapos ay yung pinsan ko naman ang hinarap nito pero bago pa man daw ito paputukan ay nakatakbo na siya papalayo sa suspek," sabi ni Rubbie.


Samantala sinubukang dalhin ng mga kaanak ang mga nabaril na biktima subalit hindi na rin ito nakaabot pa at namatay na rin.

Rumesponde ang mga pulis matapos nilang makatanggap ng tawag patungkol sa insidenteng naganap. Agad namang hinanap ang suspek subalit nagawa na nitong tumakas at magtago.

"Habang nag-iimbestiga ang mga pulis, nagkaroon muli ng kaguluhan sa pagitan nina Bienvenido Digma na dating kagawad at ng pamilya ko na napag-alamang kasama rin sa naganap na insidente," kuwento ni Rubbie.


Isinama sa himpilan ng pulisya si Bienvenido na noon ay nasa impluwensiya ng alak ngunit pagdating doon ay positibong itinuro ng ilang testigo na kasapakat ni Espredion si Bienvenido at may kinalaman sa pagkamatay ng biktima.

Kasong homicide ang isinampa laban sa mga suspek na ngayon ay wala na silang balita patungkol sa mga ito dahil matapos ang insidente nagsipagtago na ang mga ito.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang suspek at mabagal ang pag-usad ng kaso ng aking ama at tiyo dahil wala pa ring warrant of arrest laban sa mga suspek. Hangad naming mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nila," sabi ni Rubbie.


Umaasa si Rubbie sampu ng kanyang pamilya na mahuhuli ang suspek at pagbabayaran nito ang kanyang ginawa. Kung sinuman ang nakakaalam ng kinaroroonan ng mga suspek na ito ay mangyari lamang na ipagbigay-alam sa amin.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 . Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.


E-mail address: [email protected]

ESPERIDION

HARRIET

NIDA

RIN

ROMEO

RUBBIE

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with