^

PSN Opinyon

Mauubos na ang doctors at nurses sa bansa

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMING doktor at nurses ang nagtutungo sa US, England, Canada at Australia. Mas malaki ang kikitain nila roon kaysa sa Pilipinas. Hindi ko maisip kung ano ang kahihinatnan ng Pilipinas kung wala nang mga doctor at nurses. Sino na ang gagamot at mag-aalaga sa mga maysakit?

Habang marami na ang umaalis, wala namang plano ang gobyerno na maresolba ang problemang ito. Marami nang mga ospital, gobyerno man o pribado ang nagsasara dahil wala silang makuhang doctors at nurses.

Kaunti naman ang mga estudyanteng naka-enrol ngayon sa medisina, subalit maraming nursing students. Marami namang doctor ang naka-enrol sa mga nursing school. Sa halip na pagdodoktor, nurse ang kanilang papasukan sa ibang bansa.

Hindi ko masisisi ang mga doctors at nurses na mag-abroad. Barya lamang ang kanilang kinikita rito sa Pilipinas samantaang sa US, ang average na kinikita ng isang nurse ay $5,000 kada isang buwan, hindi pa kasama ang overtime, incentives at bonuses.

Nangangailangan nang mahigit na kalahating milyong nurses ang US. Sa California ay hindi na malaman ng mga ospital at mga health care facilities kung anong paraan ang gagawin nila para maka-recruit ng nurses.

Patuloy ang exodus ng Pinoy doctors at nurses sa ibang bansa. Mauubos sila. Dapat umaksiyon ang gobyerno sa problemang ito. Dapat kumilos ang mga mambabatas at kalimutan na ang bangayan. Hindi na nila nahaharap ang mga problema ng bansa sapagkat ang pagbabangayan sa pulitika at pansariling kapakanan lamang ang kanilang inaatupag.

BARYA

DAPAT

HABANG

KAUNTI

MARAMI

MAUUBOS

NURSES

PILIPINAS

SA CALIFORNIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with