^

PSN Opinyon

Si Sec. Reyes at ang Ortigas shootout

- Al G. Pedroche -
MASAMA sigurado ang loob ni Local Government Secretary Angelo Reyes dahil siya ang tampulan ng batikos sa naganap na shootout sa pagitan ng mga awtoridad at carjackers sa Ortigas noong Nob. 7. Tinuligsa nang husto si Reyes dahil pinapurihan pa niya ang mga elemento ng Task Force Limbas na nagsagawa ng operasyon at nanindigang ang ginawa nila’y lehitimong operasyon.

"Overkill"
sabi ng mga bumabatikos dahil nakita sa isang video footage na palihim na nakakuha sa insidente na binaril pa ng mga pulis ang mga carjackers kahit mukhang wala nang buhay sa loob nang binistay na sasakyan. Thankless job talaga ang maging pulis. Pagpalagay nang may lapses ang mga operatiba at nakalabag sa rules of engagement, pero hindi naman sila ang dapat ituring na kontrabida. May matibay na ebidensya naman na may naganap na palitan ng putok batay sa resulta ng paraffin test sa mga bangkay ng suspek maliban dun sa mga na-cremate na.

Itinaya ng sampung pulis ang kanilang buhay sa pagtugis sa mga carjackers na ito. Isa sa kanila ay nabaril pa sa binti. Pagkatapos ng insidente, sunud-sunod pa rin ang mga naganap na carjacking. Parang nanunuya ang mga kampon ng demonyong ito. Tututukan ng baril ng mga hinayupak ang driver ng kotse at puwersahang tatangayin ang sasakyan. Pagkatapos babarilin pa sa binti ang pobreng driver o may-ari ng kotse. Dapat bang kaawaan ang mga ganyang tao? Ang babait nila! Binti lang ang binabaril. Naniniwala akong dapat igalang ang human rights. Pero ang mga ganyang kriminal ay hindi na maituturang na human porke inhuman ang kanilang ginagawa.

Nagtataka lang ako kung bakit sinunog agad ang mga bangkay ng suspek. Kung sigurado ang kanilang mga magulang at kapatid na inosente ang mga biktima, hindi nila dapat pina-cremate para ma-awtopsya at patunayang wala ngang kasalanan.

Kaya korek si Secretary Reyes sa panawagan na huwag namang kondenahin ang mga operatiba na tumupad lang sa tungkulin. Kapag nademoralisa ang mga iyan at hindi na kumilos laban sa mga masamang elemento, baka tayo ang susunod na biktima.

Nakakabahala ang sunud-sunod na carjacking. Nung araw, carnapping lang. Ngayon kahit dina-drive mo ang kotse puwede kang parahin at puwersahang kunin ang iyong sasakyan. Dapat talaga sa mga lekat na iyan ay ubusin.

BINTI

DAPAT

ISA

ITINAYA

KAPAG

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY ANGELO REYES

PAGKATAPOS

SECRETARY REYES

TASK FORCE LIMBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with