Sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinghaga: "Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punungkahoy. Kapag gumigiti na ang dahon nito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Di- yos. Tandaan ninyo: Magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at lupa, ngunit ang mga salita koy hindi magkakabula."
Ang talinghaga ay nagbabadya sa atin na tayoy dapat maging mapagmasid at mapagbantay. Kailangang makita natin ang mga nangyayari sa kasaysayan at unawain na may mga bagay sa ating kapaligiran at sa mundo na maaari nating masundan at mayroon din naman na hindi. Datapwat nakakasiguro tayo, batay sa ating pananalig, na ang presensiya ng Diyos ay patuloy na papanibaguhin ang ating mundo. Ang Kanyang salita ay mangingibabaw.
Papatapos na ang 2005 batay sa ating pangliturhiyang kalendaryo. Ito ay nangangahulugan ng paghuhusga sa ating nakaraan at pag-asa sa kinabukasang ating kakaharapin. Sa kabila ng mga kasamaang ating nakikita sa ating kapaligiran at sa mundo, dapat tayong maging matatag at di-mawalan ng pag-asa sapagkat ang ating Panginoon ay matapat sa kanyang pangako. At siya ay paparating na.