^

PSN Opinyon

Bio-energetic mat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMI na ang nagpatunay sa bisa ng tinaguriang ‘‘miracle mattress’’ na gamit sa bio-energetic modulation therapy nina Dr. Romy Orteza at Dr. Ray Ramirez kaya hindi na kataka-taka na may mga pumeke sa naturang mattress.

Pitong taon nang ginagamit nina Dr. Orteza ang medical device kaya pinag-iingat nila ang mga pasyenteng bumili ng mga pekeng mat. Ayon kay Dr. Orteza bawa’t pasyente ay may iba’t ibang temperatura at ito’y naitatala sa kanyang bio-energetic mat.

Pinatunayan ng isang pasyente nina Dr. Orteza na iba ang original mat sa nakita niyang imitasyon na pinagbibili ng ilang tiwaling elemento. Ang pasyente na taga-Muntinlupa ay 58 anyos, madaling hingalin, nanghihina ang mga tuhod at namamanhid ang kanang kamay at kanang paa.

Nagpatingin siya at nakita sa angiography na may bara ang mga ugat niya sa puso. Nagpa-angioplasty siya pero makaraan ang tatlong taon ay muli niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib, madali siyang mapagod at malakas ang hingal niya at nanumbalik ang pamamanhid ng kamay at paa.

Balak niyang muling magpa-angioplasty pero pinayuhan siya ng kanyang anak na magpatingin kina Dr. Orteza sa Sta. Teresita Gen. Hospital sa Quezon City. Sinamahan siya at sa pamamagitan ng bio-energetic modulation therapy ay hindi na siya naopera. Ngayon ay mabuti na ang kanyang pakiramdam.

vuukle comment

AYON

BALAK

DR. ORTEZA

DR. RAY RAMIREZ

DR. ROMY ORTEZA

MUNTINLUPA

NAGPA

NAGPATINGIN

QUEZON CITY

TERESITA GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with