Saksakan kasi ng higpit ang kapkapan blues with matching kalkalan pa sa mga handcarried baggages na dala ng bawat passengers na aalis sa mga terminals going aboard este mali abroad pala. Walang sinisino ang mga security enforcers sa airport basta lahat dapat dumaan sa tamang proseso regarding security measures.
Hindi kasi makapaniwala ang mga security enforcers sa NAIA kung paano sila nilansi ni Gaspar Gary Evano, ang acting Customs examiner na nagbitbit ng tatlong boga at 200 rounds of ammunition sa Japan. Up to now kasi walang makapagsabi kung paano nailusot papasok sa PAL flight PR-432 via Narita ang mga boga at ammunition na dala ni Gary.
Mukhang nabulag sila ni Gary kaya nakalibre toits na magtakas ng boga at bala sa kuko ng palad este mali sa mga security pala sa paliparan. Sabi nga, dehins na puwedeng maulit toits!
Marami ang nakamote nang magpuslit ng boga si Gary nalagay ang iba sa mga security sa balag ng alanganin. Nalipat pa ng ibang lugar ang mga bantay salakay.
Kaya naman sangkatutak ngayon ang nag-aalburoto dahil sa seguridad na going on sa airport. Papasok pa lang sa departure area katakut-takot na pawis na ang aabutin ng isang passenger dahil sa haba ng pila. Sabi nga, parang panahon ng Hapon pilahan sa yosi.
Sa initial check-in pa lang ay todo-higpit na ang security check. Mas mahigpit sa final check-in papunta sa pre-boarding gate. Grabe as in grabe!
Kinakalkal ang lahat ng handcarried baggage matapos lumabas sa x-ray machine. Over acting ang dating dahil matapos dumaan ang mga handcarried baggage sa x-ray ay binubulatlat pa ang laman nito piece by piece.
Kaya kung may damit ka panloob na dala todits tiyak mabibilad sa mga taong nanonood.
Lahat ng gamit sa katawan ng pasahero ay pinatatanggal sinturon, relos, alahas, cell phones, sapatos lahat na puwera na lang mukha ng pasahero ang dehins pinaaalis.
Sabi nga, ang bolitas sa et-et ang ligtas sa inspection. He-he-he!
Hindi ba may babaing nagbiro na may dala siyang bomba ng mag-check in sa NAIA? tanong ng kuwagong haliparot.
Kaya nga nakalaboso ito, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Hindi puwedeng magbiro ang mga joker sa airport lalot security matters ang pag-uusapan, anang kuwagong maninisip ng tahong.
Pero humihingi pala ng paumanhin si MIAA gene- ral manager Al Cusi sa mga nakakaranas ng pinag-uusapan natin sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ok naman talaga ang ginagawa ng mga security todits para hindi maulit ang kahihiyang ginawa ni Evano sa Pinas, kamote!