^

PSN Opinyon

Gusto mong mag-alaga ng buwaya?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
GUSTO mo bang mag-alaga ng buwaya? Kung "oo" ang sagot mo,mag-usap tayo.

Ang Department of Environment and Natural Resources ay tumatanggap ngayon ng application sa nais mag-alaga ng buwaya. Ginagawa ito ng DENR para mabawasan ang populasyon ng buwaya sa crocodile farm sa Palawan.

Lumaki na ng husto ang populasyon ng alagang buwaya ng DENR. Bukod sa sumi- sikip na sila sa kanilang "tahanan," lumaki rin nang husto ang gastusin para sila ay pakainin o buhayin. .

Itinayo ang crocodile farm noong kalagitnaan ng dekada ’80, kasama ng ilang Japanese investors. Ang balak ay gamitin ang balat ng alagang buwaya sa paggawa ng mataas na kalidad ng sapatos, handbag, sinturon at iba pa. Gayunman, ang kalidad ng balat ng buwaya ay hindi umabot sa pamantayan ng Japanese market.

Magastos at kailangan ng matinding pag-iingat ang pag-aalaga ng buwaya. Dahil dito, wala kaming balak na ipamigay ito kung kani-kanino lamang.

Ang target namin ay ang mga poultry raisers o nag-aalaga ng manok. Malaking tulong ang mga buwaya sa poultry industry sapagkat sa halip na ibaon o sunugin ang mga namatay na manok, maaaring ipakain na lang iyon sa buwaya.

Walang duda, malaking bentahe para sa poultry raisers ang pag-aalaga ng buwaya.

ANG DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

BUKOD

BUWAYA

DAHIL

GAYUNMAN

GINAGAWA

ITINAYO

LUMAKI

MAGASTOS

MALAKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with