PNP hindi nakatikim ng taray ni GMA
November 17, 2005 | 12:00am
MASUWERTE si PNP chief Director General Arturo Lomibao at mga kasamahan niyang opisyal sapagkat hindi sila binoldyak ni President Arroyo nang mapalpak ang umanoy pagkahuli nila kay Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron.
Hindi sila tinarayan ni GMA. Hindi katulad sa mga nakaraan na hindi makapagpigil sa pagtataray ang Presidente. Katulad nang pagalitan si dating PNP chief Roberto Lastimoso na noon ay kauupo pa lamang na LTO chief. Pinagmumura ni GMA si Lastimoso at tinanggal pa sa posisyon.
Hindi ko alam kung ano ang nagpabago sa pag-uugali ni GMA at pinalampas ang kapalpakan ng PNP at maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Siguroy dahil iba na ang sitwasyon ni GMA. Nasa balag siya ng alanganin ngayon dahil patuloy na inuulan ng panawagan na magbitiw dahil sa mga akusasyon na nandaya sa election, jueteng at corruption. May umuugong na balita tungkol sa kudeta para mapatalsik si GMA.
Kailangan ni GMA ang suporta at loyalty ng PNP at AFP para huwag matinag sa Malacañang. Kailangang mag-play ball siya sa mga ito kung hindi, ala-Marcos o ala-Estrada ang kalalabasan niya. Kaya todo pasa ang mga taga-PNP at AFP kahit maraming kapalpakan at mga atraso, sige lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended