^

PSN Opinyon

Kapag may nakitang palatandaan ng cancer ganito ang dapat gawin

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MARAMI ang sumusulat sa akin at humihiling na gawing regular ang paglalathala ng mga dapat gawin kapag nakakita ng palatandaan ng cancer. Magan- dang malaman na ngayon ay nagiging aware na ang mamamayan tungkol sa cancer. Sabi pa ng mga sumulat sa akin, kung agad daw niyang malalaman ang mga danger signals ng cancer madali silang makakapagpakonsulta sa doctor. Sa gayon ay maagapan ang pagkalat nito at malaki ang posibilidad na makaligtas.

Binabati ko ang mga sumulat sapagkat positibo ang kanilang pananaw. Tama po kayo na ang maa- gang pagkatuklas sa cancer ang magsisilbing daan para ito ay maagapan. Kung nasa early stages pa lamang ang cancer maaagapan ang pagkalat at maililigtas ang pasyente.

Para sa kapakanan nang nakararami, narito ang mga palatandaan ng cancer:

• Mga sugat na hindi gumagaling at nag-iincrease ang size lalo sa bahagi ng labi, dila, taynga, pilikmata at ari.

• Bukol na hindi masakit o matigas na makikita sa suso, dila, labi, leeg, kilikili at singit.

• Pagdurugo at abnormal discharge sa bibig, tumbong, ari ng babae at urinary bladder.

• Parating may sore throat at malat ang boses.

•Hindi matunawan.

•Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagkakaroon nang hindi maipaliwanag na lagnat o panghihina.

• Nagbago ang kulay at laki ng warts, nunal at birthmark.

•Madalas na pananakit ng ulo, sinusitis o nahihirapang makakita.

Ibig kong linawin na ang mga nabanggit ay warning signs lamang at hindi ibig sabihin ay meron nang cancer.

BINABATI

BUKOL

CANCER

IBIG

MADALAS

MAGAN

NAGBAGO

PAGDURUGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with