^

PSN Opinyon

Mailap ang katarungan kay Nida Blanca

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA Lunes Nobyembre 7 ang ika-apat na anibersaryo ng malagim na kamatayan ng premyadong aktres na si Nida Blanca. Principal suspect si Philip Medel na nagsiwalat tapos ay binawi ang kanyang pahayag na ang Amerikanong asawa ni Nida Blanca na si Rod Strunk ang nag-utos sa kanya na patayin ang aktres. Nakakulong si Medel samantalang si Strunk ay nasa Amerika at malayang namumuhay.

Matulad kaya ang Nida Blanca Tragedy sa kaso ni Sen. Benigno Aquino Jr. at ng PR man na si Bobby Dacer na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring kalutasan?

Isang alamat si Nida Blanca, (Dorothy Jones sa tunay na buhay) na tubong Nueva Ecija. Isa siyang total performer – kumakanta, sumasayaw, nagko-comedy at nagda-drama. Sa kauna-unahang FAMAS Awards noong 1952, si Nida Blanca ang tinanghal na best supporting actress sa pelikulang ‘‘Korea’’ ng LVN Pictures na dinerehe ng national artist at award-winning Director Lamberto V. Avellana batay sa screenplay ni Ninoy Aquino na isang Korean war correspondent. Grand slam ni Nida Blanca ang ‘‘Miguelito’’ kung saan ginampanan niya ang papel na ina ni Aga Muhlach.

Ang unica iha ni Nida Blanca na si Kaye Torres ay umaasa na matatamo rin ang hustisya ng kanyang dakilang ina.

AGA MUHLACH

BENIGNO AQUINO JR.

BLANCA

BOBBY DACER

DIRECTOR LAMBERTO V

DOROTHY JONES

KAYE TORRES

LUNES NOBYEMBRE

NIDA

NIDA BLANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with