Paglaban sa avian flu
November 3, 2005 | 12:00am
HALOS hindi na makatulog ang ating poultry raisers sa posibleng epekto sa kanila ng avian influenza o bird flu. Noong nakaraang linggo, nagpunta sa aking opisina ang isang grupo ng poultry raisers mula Batangas. Ayon sa
kanila may ilang migratory birds na nagpupunta sa kanilang mga poultry farms. Takot sila na baka may dalang sakit ang mga dayong ibon.
May isang simple at praktikal na suhestiyon ang mga poultry raiser. Puwede ba, wika nila, na huwag puntahan ng tao ang mga pook na pinamumugaran ng wild bird? Sa kanilang tingin, lilipad at kung saan-saan pupunta ang mga migratory pag sila ay naistorbo. May malapit na pook na pinamumugaran ng wild bird sa kanila. Ito ay ang Lake Naujan sa Mindoro.
Maganda ang mungkahi at iyon ay ipatutupad sa pamamagitan ng malawakang information campaign ng nilikha kong Task Force Wild Bird. Ang TF Wild Bird ay binubuo ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources na eksperto sa wild bird, sa pagsusuri ng kalagayan ng ibon at ng mga bihasa sa pagpapalaganap ng impormasyon. Bawat rehiyon sa bansa, na may malaking populasyon ng wild bird, ay magkakaroon ng sariling Task Force Wild Bird.
Todo bantay at todong pag-iingat ang aming ipatutupad. Sa ngayon ay pag-iingat ang ating pangunahin at natatanging sandata para sa pagpigil at pagsugpo sa bird flu.
Sari-saring hakbang ang isinasagawa ng ibat ibang bansa para sugpuin at harapin ang bird flu. Ang Estados Unidos, bukod sa pag-iingat, ay nag-iimbak na ng gamot bilang paghahanda kung tamaan sila ng pandemic.
Ganyan din ang ginagawa ng ilang bansa sa Europa pero sa laki ng demand sa gamot, kulang na kulang ang supply.
Sa Malaysia at Taiwan ay may panukala na ang solusyon laban sa bird flu ay puksain o lipulin ang lahat ng migratory birds na nagpupunta sa kanilang lugar. Isa itong radikal na mungkahi na kaagad tinutulan ng mga conservationist at ng mga international environmental originazation.
Sa kaso ng Pilipinas, ano ang puwede nating gawin? Una na nga ay huwag lumapit sa mga wild bird. Ilayo sa kanila ang mga alaga nating manok o itik. Ireport kaagad sa mga awtoridad kung inyong napansin na lulugu-lugo, walang ganang kumain at nagtatae ang inyong alagang manok.
Sama-sama tayong kumi-los laban sa avian flu. Napag-tagumpayan natin ang SARS. Sa ating sama-samang malasakit, tiwala akong malalampasan natin ang panganib na dulot ng avian flu.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am