Matatandaang ilang serye naming inilabas sa kolum na ito ang kaso ng nasabing kumpanya kaugnay sa pamemeke ng dokumento ng kanilang bogus na trading firm, ang Suns Trading.
Pinaghandaan ni Teves ang pagbisita ng BITAG kayat pagdating namin nakalatag na sa kanyang mesa ang mga dokumentong may kaugnayan sa kasong ito.
Hindi masisisi si Teves dahil hindi pa naman siya ang nakaupo noon bilang kalihim. Hindi rin gaanong malinaw kay Teves ang punot dulo ng kasong ito.
Naganap ang smuggling sa loob ng bakuran mismo ng OILINK International Corporation nung panahon ng impeachment laban kay dating pangulong Joseph Erap Estrada, nung Disyembre 1, 2001.
Kumbaga, magulo ang sitwasyon ng pulitika noon, walang puknat ang rally ng mga oposisyon, kayat abalang-abala naman ang mga hinayupak na kawatan sa kanilang mga illegal na aktibidad tulad ng smuggling.
Ayon kay Teves, Ben and Erwin, were interested as far as the immediate collection of P210,635,000 representing the penalty and fines imposable under 3611 on the Tariff Code as amended R.A. 9135.
Segurista ang BITAG kayat ang hirit ko kay Secre-tary Teves ay ganito, Secretary, I hope that your inte-rest becomes a commitment in pursuing the collection for the government."
Patuloy ang aming case build-up at hindi namin ide-detalye ang mga hakbang ng BITAG sa pakikipagtulungan ng grupo ng MISSON X ng kapatid kong si Erwin na sabay naming tinatrabaho.
Tungkulin ng kolum na ito ang magbigay ng mga update sa kasong ito. Napapanood at napapakinggan sabay ang aming paglalantad sa progra-mang BAHALA sina BEN at ERWIN (The TULFO BROTHERS) sa UNTV (Worldwide) channel 37, Sky at Home Cable Channel 21; Destiny Cable channel 51 tuwing alas-9 hanggang alas-10 ng umaga at sabay itong napapakinggan sa DZME 1530 kHZ, Ang Radyo Uno.
Ayaw naming mangapa sa dilim ang mga sumusubaybay ng mga gawain naming partikular sa aming paglalantad ang mga ilegal na gawain. Hindi kami namimili at wala kaming pinipili!