Pagbaha at pagbaho sa Metro Manila
October 25, 2005 | 12:00am
KUNG hindi tayo kikilos, posibleng matabunan ng basura ang Metro Manila pagdating ng 2010.
Sa ngayon ay 5,900 tonelada ng basura ang nalilikha o itinatapon ng11.3 milyong residente ng Metro Manila. Ang daily output na ito ay katumbas ng 1,118 dump truck ng basura.
Bahagi ng serbisyo publiko ng mga pamahalaang local ang pangungulekta ng basura. Munisipyo ang umaarkila ng mga trak ng basura at munisipyo na rin ang nagpapasuweldo sa mga basurero.
Sa kabila ng sipag ng mga mayor na mangulekta, 3,835 tonelada lamang ng itinatapong basura araw-araw ang nahahakot. At sa kabila ng matinding kampanya na mag-recycle wala pang apat na porsiyento ang nare-recycle.
Ano ang nangyari sa natitirang 31 porsiyento o 1,829 tonelada ng basura?
Ang volume ng basurang ito na ang katumbas ay 357 trak ng basura ay kung saan-saan na lang itinatapon. Ginagawang dump site ang mga ilog o estero, bakanteng lote, kalsada at eskinita, atbp. Resulta: matinding pagbaha pagdating ng tag-ulan.
Sa mabilis na paglaki ng populasyon, ang malilikhang basura sa Metro Manila limang taon mula ngayon ay posibleng umabot ng 10,000 libong tonelada. Gaano karami ang makukolekta? Gaano karami ang basta itatapon na lamang kahit saan puwedeng ihagis?
Madaling makaagapay ang pangungulekta. Ang malaking problema ay kung saan itatambak ang basura. May mga lugar nang natukoy na angkop pagtapunan ng basura ng Metro Manila. Pero kalimitan, ayaw ng mga residente na maging dump site ang kanilang lugar.
Pero kailangang mai-dispose nang maayos ang basura. Malaki ang maitutulong ng teknolohiya dito para mawala ang dahilan kung bakit tinututulan ng iba nating kababayan na maging dump site ang kanilang pook. Kung hindi natin nagawa ito, ang kabuuan ng Metro Manila ay babaho at ditoy titindi rin ang pagbaha dahil sa basura.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am