Bakas sa mukha ni Constancia ang pag- aalala sa kanyang sakit kaya naman pinayapa siya ni Dr. Talusan. Idinaing ni Constancia na baka matulad siya sa iba pang may goiter na lumuwa ang mga mata. Ipinaliwanag ni Dr. Talusan hindi lahat ng mga may goiter ay lumuluwa ang mga mata. Ito ay lumilitaw lamang umano sa mga may toxic goiter o ang tinatawag na hyperthyroidism. Ang goiter ay ang paglaki ng thyroid gland.
Malalaman kung ang may goiter ay hypertyroid, hypothyroid o ang simpleng goiter sa pamamagitan ng blood test na magrerehistro ng level ng thyroid hormone.
Sabi ni Dr. Talusan para makumpirma kung ang pasyente ay may iodine deficiency goiter kakailanganin ang blood test, thyroid uptake at scan. Ang pinaka-karaniwang uri ng goiter ay ang iodine deficiency goiter at karamihang may sakit nito ay mula sa mga bulubunduking lugar gaya ng Mountain Province na kaunti ang pinagkukunan ng iodine.
Sinabi pa ni Dr. Talusan na maaagapan ang goiter kung agarang magpapakunsulta. Kapag nahihirapan nang magsalita o lumunok, nangangailangan na ang operasyon.