^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kailangan ng disiplina

-
ISANG linggo na ang nakalilipas mula nang magkabombahan ng tubig sa Mendiola. Nasapol ng tubig si ex-Vice President Teofisto Guingona, Sen. Jamby Madrigal, partylist Rep. Satur Ocampo, Fr. Robert Reyes at ilang Obispo. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang usap-usapan. Marahas daw ang naging aksiyon ng kapulisan sa mga protesters. Paglabag daw sa karapatang pantao. Wala raw ipinagkaiba noong martial law ni dating Ferdinand Marcos. Magsasampa raw ng reklamo si Guingona at Madrigal sa United Nations dahil sa human rights violation. Sabi ng mga binomba, magdarasal lamang daw sila kaya pumunta roon. Ayon naman kay Fr. Reyes, magrorosaryo lamang sila.

Malalaking tao at may sinasabi sa lipunan ang mga taong binomba ng tubig pero ang nakapagtataka ay hindi nila alam ang batas. Alam naman nilang bawal doon pero doon pa sila nagpupumilit. At isinangkalan pa nila ang pagdarasal at pagrorosaryo para makapunta sa mga simbahang malapit sa Malacañang. Ganyan na ba kababa ang mga inihalal ng taumbayan? Sa halip na magpakita ng halimbawa sa mga kabataan ay kabaligtaran ang ipinakikita.

Pagdarasal daw ang dahilan kaya nais nilang magtungo sa Mendiola pero bakit may mga dalang placards. At nabuking pa na ang isa sa mga bodyguards ni Madrigal ay may dalang baril. Hindi ba’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril?

Ang pambobomba ng tubig sa mga protesters ay kinatigan naman ng arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Rosales. Tama lamang ang ginawa ng mga pulis na bombahin ng tubig ang mga protesters kung saan tatlong bishops ang kasama na kinabibilanan nina Bishops Deogracias Iñiguez ng Caloocan City, Antonio Tobias ng Novaliches at Julio Labayen ng Infanta, Quezon. "Kailangan ng kaunting kaayusan," sabi ni Rosales. "Kailangan ng disiplina. Hindi mag-e-exist ang gobyerno kung mayroong anarkiya. Hindi madedevelop ang bansa kung walang disiplina."

Makabuluhan ang sinabi ni Rosales. Isang matinding hagupit sa mga kapwa niya alagad ng Simbahang Katoliko na walang tigil sa pagpoprotesta na wala namang ibang nasusugatan kundi ang bansa. May tamang pook para sa pagdarasal at pagpoprotesta kaya hindi nararapat parusahan ang taumbayang sawang-sawa na sa mga kaguluhan at kahirapan. Nararapat talagang pairalin ang disiplina.

ANTONIO TOBIAS

BISHOPS DEOGRACIAS I

CALOOCAN CITY

FERDINAND MARCOS

GAUDENCIO ROSALES

JAMBY MADRIGAL

JULIO LABAYEN

KAILANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with