Smuggling ng OILINK International Corp (1)
October 10, 2005 | 12:00am
NAMEKE na NAGNAKAW pa! Kapag ganito kawalanghiya ang isang kompanya, wala silang karapatang magnegosyo!
Dadagdagan ko pa! Tamaan sana ang mga nagmamay-ari ng kawatang kompanyang ito ng kulog at kidlat! Makarma na sana ang mga hinayupak na namumunot nangangasiwa.
Ang kompanyang tinutukoy ko dito ay ang OILINK INTERNATIONAL CORPORATION at ang kanilang bogus na trading firm ang SUNS TRADING na ginamit nila upang maisakatuparan ang kanilang smugglling activities.
Hindi ko istilo ang magsulat ng walang pinanghahawakang dokumento. Ang reklamong ito ay nauna ng isinampa ng Bureau of Customs sa Department of Justice noong taong August 2003.
Kasalukuyan tinututukan ito ng aming investigative team sa TV, ang BITAG. Nakipag-ugnayan na kami kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño ng DOJ. Ayon kay Zuño, puwede muling buksan ang kasong ito.
Humingi din si Zuño sa BITAG ng kopya ng mga dokumentong pinanghahawakan namin, partikular na ang bill of lading.
Nangyari ang smuggling ng petroleum products sa loob mismo ng OILINK terminal depot sa Lucain, Bataan mula sa barkong MT Selendang Gemala noong Disyembre 2001. Malaki ang papel na ginampanan ng bogus na trading firm ng OILINK ang SUNS TRADING.
Hindi rin malinaw kay Zuño kung ano ang kinahinatnan ng kasong ito. Sa on-cam interview na isinagawa ng BITAG kamakailan, nanlamig na daw ang Bureau of Customs na seryosohing ipursige ang kaso at pagbayarin ang OILINK ng halagang P210,603,194.04 sa pamahalaan.
Kaduda-dudang hindi man lang lumabas sa media ang kasong smuggling ng OILINK. Base sa ilan naming pinagkakatiwalaang source, may mga ilang mga hudas na pulitiko na nakialam dito at ginapang ang kaso upang isalba ang OILINK.
Layunin ng kolum kong ito na ilantad ang mga bagay na dapat lumabas sa kapakanan ng publiko. Hindi rin ligtas yung mga hudas na pulitiko na nakipagtulungan at ilang mga kawatang kawani ng Bureau of Customs. Babalatan namin ang kanilang tunay na anyo ang OILINK CORPORATION.
At higit sa lahat pagbayarin ang OILINK ng kanilang mga ninakaw na buwis sa kaban ng bayan.
May karugtong. Abangan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended