Prez ng AFIMA nagbigay ng ultimatum sa media killing
October 6, 2005 | 12:00am
GALIT na galit si Benny Antiporda, ang pang-gulo este mali Pangulo pala ng Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (AFIMA), sa rumatrat sa business correspondent ng Mindanao Bulletin sa General Santos the other day.
Ayaw kasi ni Antiporda na may mangyaring masama sa mga kasaya niya este mali kabaro pala dahil trabaho lang ang ginagampanan ng media para makarating sa bayan ang kanilang istorya.
Nabuwisit si Benny nang mabalitaan nito ang nangyari kay Danilo Aguirre, 25, business correspondent ng nasabing diyaryo.
Kasalukuyang nagmi-meeting ang mga kaalyado ni Benny sa AFIMA para pag-usapan ang paghihigante este mali pagbibigay hustisya pala sa sinapit ni Danny Boy. Si Danny Boy pala ay binoga habang nasa labas ng kanyang office ng hindi kilalang suspect. Kalibre .45 ang ginamit ng damuhong nang upakan si Danny Boy at mabilis sumakay sa kanyang pupugak-pugak na motorsiklo. Alaws lespu nang bakbakan si Danny Boy kaya nakatakas toits.
Sabi ni Benny, naaalarma na siya sa mga nangyayaring pamamaslang sa mga taga-medyas este mali media pala dahil up to now ay alaws pang nahuhuling utak sa pagpatay sa mga lihitimong mamamahayag.
Hindi lang sa Davao, General Santos, Northern Luzon, Central Luzon kundi sa halos lahat ng provinces sa mapa ng Pinas ay may natuklaw este mali nadaling taga-media. Kaya ang sigaw ni Rudy Genteroy, ace photog ng Peoples Journal gantihan at patayin din ang mga culprits na pumapatay ng media.
Very alarming na ang nangyayari ngayon sa media, sabi ng kuwagong jueteng lord.
Baka may mga atraso sila kaya binibira, anang kuwagong hoodlum na lespu.
Kahit na noh!
Ano ba ang ginagawa ng PNP Task Force Newsmen? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Mukhang na drawing na ito, sagot ng Kuwagong Kotong cop.
Buti na lang at may Benny tayo na bumabakbak sa kalaban ng media.
Matapang kasi si Benny kaya ganoon kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended