^

PSN Opinyon

Editoryal – Protesta sa kalsada resulta’y bagsak na ekonomiya

-
MAY karapatan ang lahat na magprotesta o mag-rally sa kalsada pero kung ang kapakanan ng bansa at karapatan ng mamamayan ang nakataya, dapat pigilin ang masamang tangka. Hindi ito makabubuti sa ekonomiya. Maglalayasan ang mga dayuhang investors sa takot. Kung lumayas sila ano ang mangyayari sa bansa? Pupulutin sa kangkungan. Habang ang ibang bansa sa Asia, na kinabibilangan ng Vietnam at Thailand ay paunlad nang paunlad, ang Pilipinas naman ay naiiwan. Sisihin ang maruming pulitika at ang walang taros na protesta sa kalsada.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Malacañang ang "no permit-no rally". Aarestuhin ang mga magra-rally na walang maipakikitang permit. Buwagin. Kamakalawa, winasak ng mga pulis ang gaganaping protesta ng mga militanteng grupo sa Mendiola. Nagsagupa sila. May mga nasugatang pulis at protesters. Labintatlong protesters ang inaresto. Sinabi ng lider ng grupo na naroon sila sa Mendiola para tuligsain ang pahayag ni President Arroyo sa "no permit-no rally" policy. Hindi raw nakasaad sa Constitution na kailangang humingi ng permit bago magsagawa ng public assemblies.

Ang isinagawang protesta ay lumikha ng trapik sa nasabing lugar. Hindi na halos gumalaw ang sasakyan sa Recto Avenue at Legarda at sa gawing Morayta. Lalo pang nagkabuhul-buhol nang magsimulang maghabulan ang mga pulis at protesters.

Ang "no permit-no rally" policy ay binigyan naman ng kulay ng opposition at sinabing unti-unti nang inilalatag ang martial law na pinabulaanan naman ng Malacañang. Palatandaan daw ng martial law ang pag-aresto sa mga protesters. Hindi raw maaaring magkaroon ng martial law sapagkat ang Kongreso ang magpapasya nito. At ang sabi naman ng Kongreso, hindi nila susuportahan si Mrs. Arroyo kung balak nitong ideklara ang martial law.

Natatakot ang mga investors, naaasar ang mga motorista at mga empleado dahil sa walang taros na pagpoprotesta sa kalsada. Walang ibang kawawa kundi ang mamamayan. May karapatan ang mga protesters pero dapat din namang igalang ang karapatan ng namumuhunan at taumbayang gustong mamuhay ng tahimik. Maaari namang magprotesta pero hindi sa isang lugar na lulumpuhin ang negosyo at ibabagsak ang ekonomiya.

Maiiwan sa kangkungan ang Pilipinas kung sa kalsada’y maraming sutil at pasaway.

AARESTUHIN

KONGRESO

MALACA

MENDIOLA

MRS. ARROYO

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with