^

PSN Opinyon

Huwag ismolin ang bawang, paminta at luya

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG katawan ng tao ay madaling kapitan ng bacteria at mga viruses. Kapag humina ang immune system ng katawan dito na magsisimula ang pagkakaroon ng mga infections. Ang mga taong under stress ang madaling magkasakit at humina ang immunity.

Pero alam n’yo ba na may mga pagkaing may antibacterial o antiviral properties na kayang wasakin ang mga micro-organisms? May mga pagkain rin namang pinasisigla ang immune systems kaya natutulungan ang katawan para labanan ang infection.

Ang bawang, paminta at luya ay malaki ang naitutulong para mapangalagaan ang katawan sa infection. Ang bawang ay napatunayang mahusay para sa infection. Bukod sa paglaban sa infection, may antibacterial ang bawang na nababawasan ang panganib sa pagkakaron ng blood clot o ang pamumuo ng dugo. Mabuti rin para mapababa ang high blood pressure. Matapos kumain ng bawang, hindi maiiwasang magkaroon ng amoy ang bibig. Alisin ang amoy sa pamamagitan ng pagnguya ng sariwang parley.

Ang dinikdik na luya at paminta ay ginagamit ng mga herbalists para panggamot sa sipon. Ang katas ng cramberries ay matagal nang ginagamit para magamot ang urinary tract infections. Nilalabanan naman ng pagkain ng yogart ang after effect nang pag-take ng antibiotics.

Huwag maliitin ang nagagawa ng bawang, luya at paminta at marami pang pagkain.

ALISIN

BAWANG

BUKOD

HUWAG

KAPAG

MATAPOS

NILALABANAN

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with