Ano ang myeloma?

ISANG kaibigan ang nagsabi na ilang buwan na niyang nararamdaman ang pananakit ng kanyang likod. Kaunting lakad at paggawa ay madali siyang napapagod. Napuna niya ang kanyang pamumutla. Napag-alaman na siya ay may multiple myeloma. Ito ay malignancy bunga ng abnormal proliferation ng single clone of plasma cell.

Madalas na may mga nagkakaedad na ang nagkakaroon ng myeloma. Hindi pa alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit may ganitong karamdaman. Ipinalalagay na ilan sa mga sanhi nito ay ang radiation, exposure to industrial or agricultural toxins o namamana.

Ang mga may myeloma ay kadalasang tumatama sa mga pasyenteng may anemia at nananakit ang buto. Maging ang kidney ay apektado rin at ito ang nagdudulot ng problema sa pag-ihi. Ang mga may karamdamang ganito ay madalas ding duguin, madaling magkaimpeksyon at pneumonia.

Show comments