Sagot naman ni Jun, hindi raw niya tinanggal si Rivas. Hindi raw totoo na nagreport si Rivas noong December 15, 1994 dahil kung bumalik nga siya, marami nang puwestong nakahanda sa Pasay na maibibigay sa kanya. Hindi rin daw totoo na pinapipirma siya sa kontrata ng pagtatapos sa kanyang empleyo. Hindi raw nila pinasikut-sikot si Rivas. Siya mismo ang tumanggi sa puwesto. Tama ba si Jun at ang CSA?
MALI. Upang matiyak kung si Rivas nga ay talagang natanggal, kailangang mapatunayan ni Jun at ng CSA na ang paglipat sa kanya muli sa Bataan ay makatwiran at hindi nakapipinsala sa kanyang kapakanan. Hindi ito napatunayan ni Jun. Hindi niya naipakita na wala ng ibang puwesto at kailangang-kailangan si Rivas sa Bataan. Si Jun mismo ang nagsabi na maraming puwestong bakante sa Maynila ngunit hindi lang nag-report agad si Rivas. Bukod dito kung talagang may puwestong bakante sa Maynila hindi na dapat nagsampa ng kaso si Rivas. Ang paglipat na hindi kailangan, hindi maginhawa at nakapipinsala ay hindi mapapayagan. Lumalabas nga na ang ginawa kay Rivas ay katumbas na rin ng pagtanggal sa kanya. Kayat dapat siyang ibalik sa puwesto at bayaran siya ng back salaries mula nang siya ay nawalan ng assignment hanggang maibalik. (Urbanes, Jr. vs. Court of Appeals and Rilles. G.R. 138379, November 24, 2004).