^

PSN Opinyon

Kaso ng tinanggal na sekyu

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG March 29, 1984, nagsimulang mamasukan si Rivas bilang security guard sa CSA ang security agency ni Jun. Una siyang tinalaga sa Bataan kung saan siya tumutuloy sa kuwarto ng CSA. Hindi nagtagal tinalaga siya ng CSA sa SSS Buendia Branch na kliyente nito. Noong June 24, 1994, natapos na ang kontrata sa SSS kaya nagreport si Rivas sa opisina ng CSA para sa bagong assignment niya. Ngunit inabisuhan siya na wala pang puwestong nakahanda. Bumalik siya muli noong October 3, 1994 at inalok siya ng puwesto sa Bataan muli. Tinanggihan ito ni Rivas dahil mapapalayo siya sa pamilya sa Maynila. Nang bumalik siya noong December 15, 1994 wala pa ring binigay na puwesto sa kanya. Noong March 27, 1995 inalok siya ng puwesto sa Maynila sa kundisyong pipirma siya sa kontratang tinatapos na ang pag-empleyo niya. Tinanggihan ito ni Rivas at idinemanda na lang niya ang CSA at si Jun sa salang illegal dismissal.

Sagot naman ni Jun, hindi raw niya tinanggal si Rivas. Hindi raw totoo na nagreport si Rivas noong December 15, 1994 dahil kung bumalik nga siya, marami nang puwestong nakahanda sa Pasay na maibibigay sa kanya. Hindi rin daw totoo na pinapipirma siya sa kontrata ng pagtatapos sa kanyang empleyo. Hindi raw nila pinasikut-sikot si Rivas. Siya mismo ang tumanggi sa puwesto. Tama ba si Jun at ang CSA?

MALI.
Upang matiyak kung si Rivas nga ay talagang natanggal, kailangang mapatunayan ni Jun at ng CSA na ang paglipat sa kanya muli sa Bataan ay makatwiran at hindi nakapipinsala sa kanyang kapakanan. Hindi ito napatunayan ni Jun. Hindi niya naipakita na wala ng ibang puwesto at kailangang-kailangan si Rivas sa Bataan. Si Jun mismo ang nagsabi na maraming puwestong bakante sa Maynila ngunit hindi lang nag-report agad si Rivas. Bukod dito kung talagang may puwestong bakante sa Maynila hindi na dapat nagsampa ng kaso si Rivas. Ang paglipat na hindi kailangan, hindi maginhawa at nakapipinsala ay hindi mapapayagan. Lumalabas nga na ang ginawa kay Rivas ay katumbas na rin ng pagtanggal sa kanya. Kayat dapat siyang ibalik sa puwesto at bayaran siya ng back salaries mula nang siya ay nawalan ng assignment hanggang maibalik. (Urbanes, Jr. vs. Court of Appeals and Rilles. G.R. 138379, November 24, 2004).

vuukle comment

BUENDIA BRANCH

COURT OF APPEALS AND RILLES

CSA

JUN

MAYNILA

NOONG JUNE

NOONG MARCH

RIVAS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with