^

PSN Opinyon

Counterfeit medicines pakulo ng mga terorista

- Al G. Pedroche -
ANG walang katuturang ideyolohiya ng terorismo ay naninira sa sari-saring paraan. Pambobomba, sabotahe, maramihang pagpatay, germ warfare na nagpapakalat ng mikroboyong kumikitil sa tao. Posibleng kasama riyan ang pagsasagawa at pagpapalaganap ng mga pekeng gamot.

Dahil sa paglisaw sa pamilihan ng mga pekeng gamot, maraming may karamdaman ang napapahamak. Namamatay imbes na gumaling dahil walang bisa ang gamot. Lumulubha ang problemang ito sa ating bansa. Isa nang multi-bilyong pisong illegal na industriya na kumikita ng tinatayang P10 bilyon taun-taon. Hindi katakataka na ang malaking kinikitang ito’y napupunta sa kamay ng mga terorista para isulong ang kanilang buktot na gawaing wasakin ang sangkatauhan.

Sinasabing maging sa mga botikang may pangalan ay naibebenta na ang mga pekeng gamot na ito. Palibhasa’y mahirap kilalanin kung ano ang peke sa totoo. Sa hitsura ng gamot at sa packaging ay gayang-gaya ang orig. Malalaman na lang na palsipikado ito kapag napahamak na ang pasyente dahil hindi tumalab sa kanya ang medisinang walang bisa.

Binabalangkas pa ng ating Kongreso ang batas laban sa terorismo. Lohikal para sa akin na iklasipika ang pag-sasagawa at pagbebenta ng pekeng gamot na act of terrorism.

Ang Philippine Pharmaceutical Association (PPHA) at Watson, isang health and beauty retail company ay nagsanib ng lakas para mapuksa ang ganitong katiwalian. Hindi sapat ang ganitong coalition kung wa-lang suporta ang gobyerno.

Katatapos lang ng summit ng mga world leaders sa United Nations Security Council at ang paksa ay ang pagsugpo ng pandaigdig na terorismo. Ang nanguna pa sa pulong ay si Presidente Arroyo. Nanawagan siya sa mga bansa na ibuhos ang buong suporta sa pakikidigma sa terorismo. Sana’y ikonsidera ng bawat bansang lumalaban sa terorismo ang pagpapabigat ng parusa sa mga gumagawa, namamahagi at nagbebenta ng pekeng gamot.

vuukle comment

BINABALANGKAS

DAHIL

GAMOT

ISA

KATATAPOS

KONGRESO

PHILIPPINE PHARMACEUTICAL ASSOCIATION

PRESIDENTE ARROYO

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with