^

PSN Opinyon

Tulay patungo sa ... kawalan

SAPOL - Jarius Bondoc -
GUMAGAWA ng tulay para pagdugtungin ang dalawang destinasyon. Sa Pilipinas lang may flyover na, matapos itirik ang pundasyon at ilatag ang kalahati, biglang huminto sa hangin sa itaas. Makikita ito sa Loboc, Bohol, kung saan apurahan sinemento ang highway nu’ng 1980 at babanggain sana ang 240-anyos na simbahan, kundi lang umangal ang taumbayan.

Sa Pilipinas lang din walang kadala-dala ang highways officials sa paggawa ng tulay patungo sa kawalan. Lumalabas na nu’ng panahon ni Public Works and Highways Sec. Florante Soriquez, umutang ang Arroyo Administration sa Britain ng £98 milyon, tinumbasan ng P780 milyon, para sa kabuuang P9 bilyon, para paggawa ng tulay na walang destinasyon.

Ikinalat ang pondo sa mga senador, kongresista at governor: Tig-P15 milyon hanggang P80 milyon para sa two-lane concrete bridges. Kung saan-saan winaldas ang pera, ayon sa audit ng Sinag Bayan Foundation:

May tulay sa ibabaw ng irrigation canal tungo sa putikan (Moncada, Tarlac). May tumawid ng batis tungo sa, oops, dead end na gubat (Makato, Aklan). May nasa gitna ng palayan (Diplahan, Zamboanga Sibugay); may tumawid sa matagal nang tuyong estero (San Carlos City, Pangasinan).

Makapal ang konkreto ng two-lane bridges. Pero nasayang lang ito dahil naging foot bridge lang sa pagitan ng mga makitid na daan-kalabaw (Sarrat, Ilocos Norte; Makato, Aklan, Padada, Davao del Sur; Latayan, Sultan Kudarat; Pototan, Iloilo; M’lang at Sto. Niño, South Cotabato).

May mga tulay na ni hindi magamit dahil wasak ang kalsada sa magkabilang panig (Makilala, North Cotabato), o kaya’y lubog sa putik tuwing tag-ulan (Prosperidad, Agusan del Sur). May huminto sa lupaing pribado kaya binarikadahan ng may-ari (Balasan, Iloilo). May kulang sa tornilyo ang bakal (R.T. Lim, Zamboanga Sibuhay, at Bayog, Zamboanga del Sur). May lumundo na lupa sa magkabilang dulo ng tulay (Kabasalan, Zamboanga Sibugay). May nalulubog sa tubig-ilog tuwing ulan (Diplahan, Zamboanga Sibugay).

Nilustay ang pera sa halos 40 tulay. Pero babayaran natin lahat ito.

AKLAN

ARROYO ADMINISTRATION

DIPLAHAN

FLORANTE SORIQUEZ

ILOCOS NORTE

ILOILO

MAKATO

SA PILIPINAS

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with