^

PSN Opinyon

Ang tubig ay buhay

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sa mga ugali ay lubhang maganda

Magtipid sa tubig itong bayang sinta;

Kaya panawagan ng pitak sa madla

Ang ugaling ito ay gawin tuwina!

Pagka’t mahalaga sa lahat ng bagay —

Tayo ay magtipid sa tubig ng buhay;

Kahi’t pa sagana sa kanin at ulam

Kung wala ang tubig tayo’y mamamatay!

Magtipid ng tubig ay hindi masama

Kahi’t pa sabihing tayo ay sagana;

Sa panahong ito na tayo’y salanta

Magtipid ay isang gawang pambihira!

Noong araw tayo’y sagana sa tubig —

Ito’y likas-yamang bukal na malinis;

Magdukal ka lamang tubig ay pupuslit

Na sa ating lahat biyaya ng langit!

Pero nag-iba na ang takbo ng buhay

Ang saganang tubig ayaw nang bumukal;

Sa dami ng taong ngayo’y nabubuhay

Nakukuhang tubig karampot na lamang!

Ang sikat ng araw at ihip ng hangin

Tayo’y napapaso kapag dumarating;

Hindi tulad noon -— kung gabing madilim

Kay sarap ng weather -— tulog ay mahimbing!

Dahil sa ang tao’y lalong dumarami,

Tubig na malinis nagiging marumi;

Marami ng bansa sa tubig ay sawi

At ang "global warming" ay banta palagi!

Kaya nga ang dapat tayo ay magtipid

Sa tulo ng gripo kahi’t gagabinlid;

Bawa’t patak nito ay dugong malinis

Na sa ugat nati’y dadaloy na pilit!

BAWA

DAHIL

KAHI

KAYA

MAGDUKAL

MAGTIPID

MARAMI

TAYO

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with