^

PSN Opinyon

Makapangyarihan si GMA

HALA-BIRA - Danny Macabuhay -
NANG mahirang si President Arroyo na isa sa 10 pinakamakapangyarihang babae sa buong mundo, marami ang namangha at hindi makapaniwala. Kung titingnan ay parang hindi siya makakapatay ng langaw. Kataka-taka rin sapagkat isang maliit na bansa ang kanyang pinamumunuan.

Noong nakaraang Martes, muling nakita ang kamandag ni GMA nang ibasura ang impeachment complaint laban sa kanya. Umaasa na ang oposisyon na maisasampa sa Senado ang impeachment complaint pero natalo ang "no "votes.

Isa ako sa mga nagsabi na masasayang lamang ang panahon at salapi ng bansa kung patuloy na igigiit ang impeachment laban sa kanya. Hindi niya papayagang matalo siya at pababayaan na lamang na makuha ang inuupuan niya sa Malacañang. Papaano nila mapapatalsik ang isang matalinong pangulo? Nasa kanya na ang leksiyon nang mga napatalsik na Presidente Marcos at Estrada.

Alam ni Mrs. Arroyo na wala siyang kalaban-laban kung basta na lamang siyang magre-resign sa pagka-pangulo na isinisigaw ng iba’t ibang sector. Napag-aralan niya at ng kanyang mga tauhan na mas makakabuti kung ang ihahain na lamang sa kanya ay impeachment sapagkat alam niyang pera lamang ang katapat nito sa kongreso. Nangyari na nga ang inaasahan. Nahulog sa patibong ang panlaban ng oposisyon. Nasa hukay na ngayon ang impeachment.

Dahil sa pagkatalo sa impeachment, nag-init ng husto ang oposisyon at hinikayat pa ang iba na piliting magbitiw si Pangulong Arroyo sa pagka-pangulo. Matitinik ngayon ang mga nasa pangunahing hanay ng mga nagpoprotesta laban kay GMA sapagkat kabilang na diyan ang mga dati niyang kaalyado. Isa na naman itong pagkakataon upang masubukan kung tunay ngang si GMA ay isa sa mga makapangyarihang babae sa buong mundo.

vuukle comment

ALAM

DAHIL

IMPEACHMENT

ISA

KATAKA

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTE MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with