^

PSN Opinyon

Paging Mayor Gonzales

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NANANAWAGAN ang mga residente ng Mandaluyong City kay Mayor Neptali ‘‘Boyet’’ Gonzales na bigyan pansin niya ang lumalalang problema dulot ng droga sa kanilang lugar. Anila, imbes na ang pasugalan at iba pang pagkakitaan ang nasa isip nitong mga alipores ni Gonzales, tulad ng anti-vice unit niya, dapat ang droga ang atupagin bago masira ang kinabukasan hindi lang ng kabataan kundi maging mga professional man. Sa nasilip nating sulat, sinabi ng mga residente na malala na ang problema sa droga sa Welfareville compound at mukhang wala ng galang ang mga pusher at user sa naturang lugar sa mga kapulisan. Katunayan, marami namang pulis ang nakatira sa Welfareville compound subalit ibinabaling nila sa malayo ang kanilang paningin. Bakit hindi subukan ni Gonzales isabak ang anti-vice unit sa pamumuno ni Victor Espinosa para naman mabago ang kalakaran nila? Sa pagsugpo sa droga kasi, mapapalaban tiyak ang grupo ni Espinosa. ’Ika nga serbisyong bayan muna at hindi serbisyong bulsa! He-he-he! Tingnan natin kung gaano kasiga ang mga alipores ni Espinosa laban sa droga, lalo na ang kolektor na si Onyok Alvaran.

Noong panahon kasi ni Mayor Benhur Abalos, epektibo ang mga bataan niya sa anti-vice na pinamumunuan pa ni SPO1 Jun Lim. Kahit may naapakan ang tropa ni Lim tulad ng mga vendor, hindi naman nila pinapalagpas ang mga pusher at user. Kaya malaking tulong sa kapulisan ang anti-vice ni Lim noon kung droga ang pag-uusapan. Subalit halos isang taon si Gonzales, eh wala pa tayong naulinigan na may naaresto ang grupo ni Espinosa sa aspeto ng droga? He-he-he! Paano, panay pasugalan ang inaatupag nila dahil pera-pera lang ang laban ni Espinosa, di ba mga suki.

Para sa kaalaman ni Mayor Gonzales, ipinagtataka ng mga residente ng Mandaluyong kung bakit ang pusher at addict na si Pedy Ronquillo ay labas-masok sa kulungan. Anila, si Gerardo Diaz alyas Buboy at ang bayaw niya at walang pakundangang magbenta ng shabu sa Apple St. sa Block 37 sa loob ng 24 oras. Anang mga residente sa Welfareville compound, hindi na safe ang kani-kanilang mga anak hanggang hindi nasusupil ni Mayor Gonzales si Buboy at bayaw niya.

Dahil gusto naman ni Tolongges… este ni Tolome pala ng ‘‘Isa pa nga’’ kay Mayor Gonzales, ito na siguro ang malaking pagkataon para maipakita nilang mahal nila at gustong pagsilbihan ang taga-Mandaluyong City. Siyempre, dahil gusto nilang lagpasan ang mga ginawa noon ni Mayor Abalos, aba dapat lang hulihin nila kaagad si Buboy at ang bayaw niya. Hindi dapat atrasan ni Tolongges… este ni Tolome uli ang hamon sa kanya ng taga-Welfareville dahil alam nila siya ang nasa likod ni Espinosa.

Nangangamba kasi ang mga residente doon na hindi papansinin ni Tolome ang problema nila dahil panay pera ang laman ng kukote niya. Hindi kaila sa kanila na si Tolome ang nasa likod ng pag-akyat ng pera sa bulsa ni Gonzales, sa hayagang pamamaraan o tago man. Hayyy! Nakuuu! Kumusta na kaya si Boy A?

Abangan!

BUBOY

ESPINOSA

GONZALES

MANDALUYONG CITY

MAYOR GONZALES

NILA

TOLOME

WELFAREVILLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with