EDITORYAL Araw-araw ay noodles
August 27, 2005 | 12:00am
SIMULA sa susunod na schoolyear (2006-2007) sisilbihan ng gobyerno ang may 7.5 milyong estudyante sa pampublikong eskuwelahan ng vitamin-enriched noodles. Araw-araw ay bibigyan sila ng masustansiyang noodles. May kabuuang 180 school days at ibig sabihin, 180 cups nang masustansiyang noodles ang lalantakan ng mga bata particular ang mga nasa Grade 1, 2 at 3. Ang pagpapakain sa mga batang estudyante ay hakbang ng gobyerno para malutas ang problema sa malnurisyon. Ayon sa survey, maraming mga bata ang kulang sa timbang. Pinakamarami ang mga malnourish na bata sa ibat ibang bahagi ng Mindanao.
Grabe na ang kahirapang dinaranas ng mamamayan sa kasalukuyan. Sa mga surveys ay lumilitaw na mas mahirap ngayon ang kalagayan sapagkat marami ang nalilipasan ng gutom. May mga pamilyang isang beses na lamang kung kumain sa maghapon. Noong nakaraang taon, isang ama ang naghalungkat sa basurahan at nakakita ng mga panis na litsong manok. Ipinakain niya sa mga anak. Dalawa sa mga anak niya ang namatay. Ang mga pangyayaring iyan ay nagpapatunay lamang nang grabeng kahirapan na dinaranas sa kasalukuyan. Ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis ang itinuturong dahilan ng kahirapan ng buhay. Kapag tumaas ang langis, kasamang tumataas ang mga pangunahing bilihin at wala nang maibili ang karampot nilang suweldo. Pawang paghihigpit sa sinturon ang nangyayari sa kasalukuyan at marami nang tuliro.
Ang planong pagpapakain ng masustansiyang noodles sa mga batang estudyante sa darating na school year ay magandang hakbang. Malaking tulong ito sa mga bata na karamihan ay walang laman ang tiyan kung pumapasok sa school. At paano mahahasa ang utak ng bata kung walang laman ang kanyang tiyan? Imposibleng makaintindi ng lesson ang isang batang walang laman ang sikmura. At natural lamang na hindi siya makapasa sa kanyang mga subjects. Sa isang survey, sinasabing pahina nang pahina ang mga estudyante sa kasalukuyan kung saan, anim lamang sa 100 Grade 6 students ang maaaring makapag-high school. Nakapanlulumo namang dalawa lamang sa 100 high school students ang maaaring makapag-college. Tireble na ang nangyayaring pagkabobo ng mga kabataang estudyante. Kulang kaya sila sa sustansiya? Posible.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended