^

PSN Opinyon

Ang raid sa bahay ni Tabayoyong

- Al G. Pedroche -
SABI ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), legal ang raid na ginawa nito sa tahanan ni Segundo Tabayoyong, dating hepe ng Questioned Documents Division ng NBI. Isa siyang handwriting expert at diumano’y may hawak ng mga katibayan sa pandaraya sa eleksyon ng administrasyon.

Pero umalma ang oposisyon lalu na ang kampo ni ex-senator Loren Legarda. Hawak daw ni Tabayoyong ang mga documentong magpapatibay sa claim ni Legarda na siya ay dinaya sa nakalipas na halalan sa pagka-pangalawang Pangulo. Kaya lumilitaw na ang raid ay naglalayong dugasin ang mga naturang ebidensya.

Sa inihaing protesta ni Legarda ay wala tayong pinapanigan. Ngunit sa ginawang raid, lumalabas na kontrabida ang administrasyon. Nabubuo sa isip ng marami na "desperado" na ang administrasyon para gibain ang mga ebidensya ng oposisyon hindi lamang laban kay Vice President de Castro kundi kay Presidente Arroyo.

Nangangamba ang marami. Sa pagkakabalam daw ng recount ng mga balota gaya nang hinihiling ni Legarda, baka magapang ng administrasyon ang mga dokumentong nasa mga ballot boxes na iniingatan ng Kongreso bago pa man mabusisi ng Presidential Electoral Tribunal na siyang aakto sa protesta ni Legarda.

Pati NBI ay bumabanat na kay Tabayoyong para mawasak ang kredibilidad nito. Hindi raw ubrang tumayo si Tabayoyong na eksperto, Kung totoo iyan, bakit naglingkod si Tabayoyong sa NBI bilang handwriting expert sa Questioned Documents Division nito sa loob ng maraming taon sapul pa noong 1980?

Mag-ingat din ang administrasyon sa mga hakbang nito dahil parang napaghahalata ang motibo. Besides, may matinding galit ang Palasyo kay Tabayoyong. Ito ang nagdiin kay First Gent. Mike Arroyo na siya diumanong tunay na Jose Pidal at hindi ang kapatid niyang si Rep. Iggy Arroyo.

Kahit iginigiit ng NBI na ang raid sa bahay ni Tabayoyong ay legal, nakatakdang magsampa ng kaso ang dating NBI official dahil wala daw search warrant ang pag-raid sa kanyang bahay kamakailan.

Ang PET na ang dapat kumilos. I-utos na ang madaliang paglilipat ng mga urna mula sa Kongreso patungo sa tanggapan nito para sa recount. Dapat nang malantad ang buong katotohanan.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FIRST GENT

IGGY ARROYO

JOSE PIDAL

KONGRESO

LEGARDA

LOREN LEGARDA

QUESTIONED DOCUMENTS DIVISION

TABAYOYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with