^

PSN Opinyon

Bakit kaya nanghuhuli pa ang grupo ni Jaylo? He-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TULOY pa rin ang operation ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) sa pamumuno ni Reynaldo Jaylo taliwas sa mga pahayag ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas. Ayon kay Sto. Tomas, hindi muna makapag-operate ang PAIRTF ni Jaylo habang niri-review pa kung i-extend ang kanilang mandate o hindi na. Ibig sabihin sa loob ng barracks muna ang mga ahente ng PAIRTF. At kung mag-o-operate si Jaylo, ang mga bitbit niyang tauhan ay dapat taga-DOLE o taga-POEA lang, ang paglilinaw ni Sto. Tomas. ’Ika nga itsa-puwera muna ang mga pogi at masisipag na taga-Task Force Hunter. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, nag-expire na kasi ang one-year na pamamalagi ng PAIRTF noong Hunyo kaya’t malinaw na wala na silang mandate para mag-operate laban sa illegal recruiter. Pero bakit nanghuhuli pa ang grupo ni Jaylo? Kanino sila may go signal? Tiyak na hindi kay Sto. Tomas. Kay President Arroyo kaya? He-he-he! Lulutang at lulutang din ang katotohanan sa darating na mga araw, di ba mga suki?

Sinabi ng taga-Manila police na kausap ko, na karamihan sa mga inaaresto ng tropa ni Jaylo ay mga foreigner kasi nga hindi nila alam ang tunay na kalagayan ng PAIRTF. Sa loob ng nagdaang linggo, tatlong Koreano raw ang naaresto ng mga bataan ni Jaylo at tumataginting na P10 milyon ang isinuka ng mga ito, ayon sa Manila police na nakausap ko. Wow!!! Laking halaga naman niyan ah. Ang isa sa mga Koreano na dinampot ng PAIRTF ay si Mr. Kim na umano’y isang illegal recruiter. Si Kim na may-ari ng fogging machines ay dinala sa PAIRTF office sa Rizal Memorial complex sa Manila. Pinakawalan lang si Kim sa pakikialam ng consul ng Korean embassy, anang pulis Maynila. Paano papasok sa bansa ang mga foreign investors kung patuloy ang ganitong operation ng PAIRTF? Hindi ba taliwas din ito sa panawagan ni GMA? He-he-he! Goodbye na lang sa future ng recruitment industry natin!

Inaresto rin ng PAIRTF si Melba Bulotano noong nakaraang linggo dahil sa illegal recruitment. Ang huling balita ng kausap kong pulis-Maynila, no bail ang naging hatol kay Bulotano. Pero pansamantala ang delubyo sa buhay ni Bulotano dahil tiyak pakakawalan din siya ng husgado sa technicality na expired na ang life-span ng PAIRTF.

Bakit kaya patuloy na sinusuway ng PAIRTF ang gustong mangyari ni Sto. Tomas? May sarili kaya silang batas na pinairal o may kumikinang na dahilan?

Sa totoo lang, ang mga legitimate recruitment industry ang nag-udyok kay GMA para itatag itong PAIRTF sa akalang matutulungan sila ni Jaylo para habulin ang mga illegal recruiters na sumisira sa kanilang negosyo. Pero sa ngayon, samu’t saring reklamo na ang ibinabato nila sa PAIRTF, na sa tingin na kausap kong pulis-Maynila, ay walang balak na magsara ng opisina.

Dapat siguro maglagay ng monitoring camera si Sec. Sto. Tomas sa labas ng opisina ng PAIRTF para mapatunayan na buhay na buhay ang naturang opisina at maraming foreigner itong bisita.

Abangan!

vuukle comment

BULOTANO

JAYLO

KAY PRESIDENT ARROYO

KOREANO

MAYNILA

PAIRTF

PERO

STO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with