^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ang mga pulis ay nasa ilalim ng tulay…

-
DALAWANG magkasunod na holdap ang nang-yari noong Lunes. Isa sa Ortigas Center, Pasig City at sa Marikina City. Ang dalawang lugar ay sakop ng Eastern Police District (EPD). Naganap ang panghoholdap sa Ortigas dakong alas-diyes ng umaga at sa Marikina ay nangyari naman alas-dos ng hapon. Apat katao ang nasugatan sa Ortigas robbery samantalang dalawa ang namatay at isa ang nasugatan sa Marikina. Hindi pa malaman kung magkano ang natangay na pera sa Ortigas samantalang wala namang nakuha sa Marikina. Sa dalawang nangyaring panghoholdap, wala pang nareresolba ang mga pulis sa EPD habang sinusulat ang editorial na ito. Nangangapa pa sila sa dilim. Naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami!

Kakatwa pa na nang mangyari ang holdapan ay nagseselebreyt ang EPD ng kanilang 32nd founding anniversary. Dumalo sa kasayahan si National Capital Regional Office (NCR-PO) chief Director Vidal Querol at iba pang matataas na opisyales ng EPD. Kasalukuyang kumakain umano at masayang nagkukuwentuhan sina Querol at iba pang police officials nang ratratin ng anim na lalaki ang nakaparadang armored van sa harap ng Discovery Center. Nakuha ang duffel bag. Walang kahirap-hirap na tumakas ang anim na holdaper.

Ang nakapagtataka, wala ni isang pulis na nagpapatrulya sa nasabing lugar. Ang mga pulis na dapat sana ay nagra-rounds sa Ortigas Center ay nasa harapan ng Robinson’s Galleria at ewan kung ano ang binabantayan doon. Kalahating kilometro mula sa pinangyarihan ng holdap ay may satellite office kung saan ay naka-base ang mga matitinik (kuno) na special weapons and tactics team (SWAT).

Wala sila. Walang-wala kaya malayang nakasalakay ang mga halang ang kaluluwa.

Hindi lamang ang mga holdapan sa banko ang namamayani sa kasalukuyan. Patuloy din ang holdapan sa mga pampasaherong jeepney, bus at FX taxis. Sabi ng PNP, bubuhayin ang mga secret marshals sa mga bus para maprotektahan ang mga pasahero sa mga holdaper. Natupad ba ito? Sabi ng PNP, paglalakarin ang mga pulis para magpatrulya sa mga matataong lugar. Nasaan sila? Noong nakaraang linggo, isang 11-anyos na batang Tsinoy ang kinidnap sa Sta. Cruz, Manila. Ang lugar ng insidente ay malapit lamang sa police station pero walang namalayan ang mga pulis. Nasaan sila sa oras ng pangangailangan?

Nasaan ang mga pulis? Nasa ilalim ng tulay ba?

DIRECTOR VIDAL QUEROL

DISCOVERY CENTER

EASTERN POLICE DISTRICT

MARIKINA CITY

NASAAN

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with