Ito ay magiging posible sa pamamagitan ng Voucher System na itinalaga ng Philippine Ozone Desk ng DENR. Isa ito sa mga estratehiya na nakapaloob sa National CFC (chlorofluoracarbon) Phase-Out Plan upang tuluyan ng matigil ang paggamit ng CFC sa bansa.
Ang CFCs na ginagamit bilang cooling agent para sa mga refrigerator at air conditioner ay nakasisira sa ating ozone layer. Kaya pumasok sa isang pandaigdigang kasunduan ang ating bansa sa pamamagitan ng Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer.
Sa ilalim ng Voucher System ang DENR ay mag-iisyu ng voucher para sa tulong pinansiyal sa mga karapat-dapat na service enterprises na bumili ng mga mahahalagang kagamitan para sa tamang pangangalaga ng CFC na karaniwang tinatawag na freon.
isa itong mahalagang paanyaya para sa mga refrigeration at air conditioning service shops. Makipag-ugnayan lang sa NCPP project Management Unit ng DENR at maging kaakibat po sana namin kayo upang maisulong ang paglilinis ng hangin.