^

PSN Opinyon

‘Mga kasong patuloy naming tinututukan…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ISANG panawagan ang patuloy na iniiwan ng Bahala si Tulfo’ at BITAG sa sinumang nakakaalam ng kinaroroonan ni Edgardo Canar.

Patuloy ang ginagawang pagtatago ni Canar matapos nitong molestiyahin ang pinakahuli nitong biktima, isang 12 anyos na nene sa Caloocan.

Suspetsa namin, nagtatago itong si Canar sa bahagi ng Laguna, Cavite, o Batangas. Para sa kapakanan ng lahat, delikadong magpagala-gala itong si Canar dahil maaaring makapambiktima na naman ito.

Tandaan, magaling magsalita itong si Canar at tiyak na mapapaikot ang sinuman. Mabuti rin itong trabahador at may magandang track record sa kanyang mga pinasukan. Isang bentahe na maaari niyang gamitin upang maitago ang krimeng kanyang ginawa.

Suhestiyon namin, sakaling makita itong si Canar, agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na police station at agad damputin bago pa ito tuluyan muling makapambiktima…

Isa pang kaso na patuloy naming tinututukan sa ‘Bahala si Tulfo’ at BITAG ay ang kaso ng pagpaslang kay Ding Cruz.

Patuloy ang aming ginagawang pagtutok sa kasong ito na itinuturing pa ring ‘unsolved crime’ hanggang ngayon.

Patuloy ang aming panawagan sa sinumang makakatulong na mabigyang linaw ang kasong ito. Dahil hanggang sa panahong ito ay wala pa ring lumalapit na testigo.

Wala pa ring malinaw na lead ang mga otoridad. Kung tutuusin, mas nauna pa itong kaso ng pagkamatay ni Ding Cruz sa ibang kaso ng malalaking tao na agad namang naresolba’t ipinagmalaki ng ilan…

Tandaan, maaaring mangyari kaninuman ang nangyari kay Ding Cruz. Kaya’t patuloy din ang panawagan ng kanyang pamilya. Maaaring patuloy pa ring gumagala ang mga suspek sa krimeng ito at naghahanap lamang ng tiyempo upang muling makapambiktima.

Armado at nakahandang pumatay ang mga ito anumang oras kaya’t tulad ni Edgardo Canar, maituturing silang panganib na dapat sugpuin sa lalong madaling panahon…

Nakahanda kaming maglatag ng patibong para sa kanila. Kaya’t makibahagi, at makipag-ugnayan sa ‘Bahala si Tulfo’ at BITAG. Maging mapagmasid at maging undercover ng bayan…

vuukle comment

ARMADO

BAHALA

CANAR

DING CRUZ

EDGARDO CANAR

KAYA

PATULOY

TANDAAN

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with