Ayon sa aking bubuwit, 138 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Tata Bert Silva ng DZRH; Arthur Ty ng Metrobank; Mary Jane Abacan, Army Col. Virgilio Pablo, Elmer "Bong" Labog ng KMU; Bert de Guzman, Gie Catanyag ng Interphil Laboratories at Normita How ng Davao City.
Ayon sa aking bubuwit, ito ang napatunayan niya nang mabuking ang kanyang illicit love affair sa isang magandang chiching.
Sa kagustuhan ni Congressman na mapaibig nang husto ang chiching ay niregaluhan nito ng house and lot.
Kaya lang, yung bahay ay hindi pa natatapos. Ito ay ginagawa pa lamang.
Ewan ko lang kung matatapos pa ito ngayong nabuking na ng misis ni congressman.
Kasi, giyera patani ang nangyari sa mag-asawa nang mabuko si Congressman.
Ayon sa aking bubuwit, nabuking ang regalo ni Congressman na house and lot sa kanyang chiching nang makakuwentuhan ng kanyang misis ang isa nilang kaibigan.
Aba, mantakin nyo naman, tuwang-tuwa pa ang kaibigan nina Congressman nang magkita sila ng kanyang misis.
Natutuwa ang kaibigan nila dahil magiging magkapitbahay na raw sila sa isang malaking subdivision sa Parañaque City.
Nang magkita ang misis ni Congressman at ang kanilang kaibigan ay tinanong kaagad kung kailan sila lilipat sa kanilang subdivision.
Nagulat ang misis ni Congressman kung ano ang sinasabi ng kanyang kumare na ipinatatayong bahay. Kasi, ang katotohanan, talagang hindi ito alam ni misis sapagkat hindi naman para sa kanya.
Iyon pala ay regalo ni Congressman sa kanyang chiching.
Naku Congressman, matatapos pa kaya yan ngayong nabuking na ng misis mo?
Para ko nang nakikita, ipagbibili ito ni Congressman at bibili ng ibang house and lot sa ibang lugar.
Ang congressman na super galante sa kanyang magandang chiching na bumili ng lote at ipinagpapatayo pa ng bahay ay walang iba kundi si Congressman
Siya ay taga-Mindanao subalit hindi Muslim na puwedeng mag-asawa ng apat hanggat kayang suportahan.
Siya ay walang iba kundi si Cong. B. as in B.F. Homes.