^

PSN Opinyon

Bulok na Comelec sa halalang ARMM

SAPOL - Jarius Bondoc -
HALALAN ngayon ng regional governor, vice at legislative assembly ng Autonomous Region for Muslim Mindanao. At sino ang mamamahala sa eleksiyon? Sino pa, kundi ang mga Comelec commissioner sa Maynila, ang regional director, provincial election supervisors ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at mga galamay nila na nabanggit sa "Hello Garci" tapes.

Ibig sabihin, ang bulok na Comelec pa rin ang bibilang ng mga boto. Ibig sabihin, hindi maaasahang malinis ang halalang ito.

Wala na nga si Commissioner Virgilio Garcillano, na batid ng mga politikong Administrasyon at Oposisyon ay eksperto sa dagdag-bawas ng boto. Pero nand’un pa rin ang iba pang commissioners na sangkot sa dumi ng halalan nu’ng 2004: Benjamin Abalos, Resurrecion Borra, Mehol Sadain, Rufino Javier, at Florentino Tuazon. Maliban kay Tuazon, lahat sila’y may batik. Sina Abalos at Borra ang nagpakana ng maanomalyang kontrata ng automated counting machines, halagang P1.3 bilyon, na ibinasura ng Korte Suprema. Hindi nila naawat ang mga kalokohan ng kapwa-commissioner Garcillano. Si Commissioner Romeo Brawner lang, dahil nitong Hunyo lang napuwesto, ang hindi naulingan.

At ‘di ba’t sangkot ang mga Mindanao Comelec officials sa "Hello Garci"? Wala mang detalye ng kanilang pagluto ng resulta para kay Gloria Arroyo, pero kaduda-duda na sila–lalo na’t dikit sila kay Garcillano.

Nang una pa lang pumutok ang "Hello Farci" controversy, hiningi na ng madla na magbitiw lahat ng commissioner at i-overhaul ang buong Comelec. Nagmatigas sila. Kesyo, wala naman daw silang ginawang mali.

Sa serbisyo publiko, hindi kailangan mapatunayang nagkasala ang isang opisyal bago magbitiw. Sapat nang mawalan ng tiwala ang madla para bumaba sa puwesto. ‘Yan ang tinatawag na Caesar’s Wife Principle. Dapat wala silang kahinahinalang kilos.

Lalong matindi ang panukat na ito sa Comelec. Ang unang batayan ng demokrasya ay malaya, malinis at maayos na halalan.

AUTONOMOUS REGION

BENJAMIN ABALOS

COMELEC

COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

FLORENTINO TUAZON

GARCILLANO

GLORIA ARROYO

HELLO FARCI

HELLO GARCI

IBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with