Sikat na boxer adik na sa sabong
August 2, 2005 | 12:00am
ALAM nyo bang hindi pa rin tumitigil sa pagsasabong ang isang sikat na boxer kahit madalas matalo?
Ayon sa aking bubuwit, 145 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Prof. Nenita Papa, Prof. Fred Cabuang, Ret. Gen. Jimmy delos Santos, Bro. Gen. Sonny Prejido, Caloy Pascual at Delfin Macapagal Layug ng Norway.
Alam nyo bang wala pa ring kadala-dala ang isang sikat na boxer sa kanyang pagsasabong?
Ayon sa aking bubuwit, matapos pagsabihan ang naturang boxer ng ilan niyang mga kamag-anak na dahan-dahan sa pagsasabong at pagpusta ng malaking halaga ay mukhang hindi niya ito pinapansin.
Ang naturang boksingero ay madalas pa ring makita sa mga sikat na sabungan sa Metro Manila. Kamakailan lamang nakita na namang nagsabong siya sa Las Piñas at sa Pasay City.
At malakihan pa rin kung pumusta sa kanyang mga manok. Ang tigas din ng ulo ng batang ito ano?
Kapag hindi siya makinig sa payo ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan ay baka ilipad ng manok ang kanyang kinikita sa pagboboksing.
Kamakailan lamang ay nagsabong sa Las Piñas cockpit ang boksingero at walang takot na sumabay sa pustahan ng mga beteranong sabungero. Alam nyo ba kung magkano ang kanilang pustahan? Limpak-limpak na P1.2 million.
Ayon sa aking bubuwit, hindi sinuwerte at hindi rin naman minalas ang naturang boksingero sapagkat tabla ang laban. Parehong namatay ang kanilang mga manok.
Ayon pa sa aking bubuwit, noong July 22, 2005, nagsabong naman sa Pasay City Cockpit ang boxer.
Kasama naman niya rito ang sikat na sabungero, si dating Cagayan Rep. Patrick Antonio. Siya yung tinutukan noon ni Atong Ang ng .45 cal. sa Roligon Cockpit sa Parañaque City.
Sila ay magkasamang pumusta sa manok ni Mr. Antonio. Sinuwerte naman ang dalawa at sila ay nanalo ng tig-P400,000.
Ayon sa aking bubuwit, ang sikat na boksingero na adik na yata sa pagsasabong ay si
Siya ay idol ng bayan, si Manny "Pacman" Pacquiao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended