Di-kapani-paniwalang ebidensiya
August 2, 2005 | 12:00am
ANG NLC at PWC ay magkapatid na kompanya. Nagtatrabaho sa processing plant nito ang 30 trabahador na miyembro ng isang unyong may CBA sa kanila. Noong 1995, dahil sa umanoy kabagalan ng negosyo, hininaan ng kompanya ang operasyon ng kanilang planta. Ngunit patuloy pa ring nagtrabaho sa planta ang 30 trabahador bagamat ang suweldo nila ay binabaan sa P600 lang bawat buwan.
Noong January 1996, ang payroll ng mga taong hindi nababayaran ay umaabot na sa P1.8 million bukod pa sa mga health bonus at balanse ng 13th month pay na dapat bayaran ayon sa CBA. Wala ring nangyari sa conference na ginanap sa pagitan ng kompanya at union noong January 29, 1996. Nagbigay lang ang kompanya ng tulong pinansyal na P300 para sa rank and file, P400 para sa security guards, P500 para sa middle managers at P750 para sa office staff. Higit pa ngang ikinagalit ito ng 30 kawani dahil ang tulong na binigay sa kanila ay pinakamababa. Kaya noong February 18, 1996 matapos mag-meeting ang mga miyembro ng union, nagpasya sila na hindi na sila papasok sa trabaho kinabukasan kung di babayaran ng NLC/PWC ang nararapat sa kanila ayon sa CBA.
Dahil hindi na nga nagreport ang 30 trabahador, tuluyan nang huminto ang operasyon ang kompanya. Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang union laban sa PWC/NLC na ilegal na pagsasara. Humiling din sila ng separation pay at bayad sa suweldong kulang at di nabayaran.
Ayon naman sa PWC/NLC, pansamantalang nagsara na raw sila noong 1995 pa at noong January 1996, handa na silang magbukas muli, ngunit dahil nga sa hindi pagreport ng 30 trabahador ng union, natuluyan na silang maghinto sa operasyon kaya hindi raw dapat bayaran ng separation pay ang mga tao. Tama ba ang PWC/NLC?
MALI. Hindi naman talaga nagsara ang kompanya noong 1995. Hininaan lang ang operasyon. Sa katunayan nga, sumusuweldo pa rin ang 30 trabahador bagamat kulang dahil P600 a month lang. Nagbigay pa nga ang kompanya ng tulong pinansyal noong January 1996 bagamat may karapatan ngang pansamantalang magsara ang kompanya kung itoy nalulugi noong 1995.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest