Sanay makatulong ang kolum na ito para aksyonan agad ng Malacañang ang reklamo na lalung nagbibigay batik sa pamahalaan sa harap ng mga pangit na alegasyong ikinakapit mismo sa Pangulo.
Sa pag-aksyon sa ganitong mga reklamo, Maipakikita ng Pangulo ang katapatan at determinasyon sa pagpuksa ng katiwalian sa gobyerno.
Ayon sa liham, milyun-milyong pisong bahagi ng pondo ng Manila City Jail ang nalalaspag sa katiwalian. Inakusahan ang warden ng MCJ na si Supt. Gilberto Marpuri nakabili ng mamahaling kotse bukod pa sa pagpapatayo niya ng dalawang mararangyang bahay.
Ganito rin daw ang anomalyang nagaganap sa BJMP National Capital Region. Ang pagbili diumano ng supply ng pagkain sa mga piitan na inareglo ng budget officer na si Supt. Joseph Vela ay hindi dumaan sa tamang proseso ng public bidding gaya ng isinasaad ng batas. Bakit nagpapatuloy ang ganitong palsong gawain?
Ayon sa NAAC, may basbas ang mga iregular na gawaing ito mula sa dalawang matataas na opisyal ng BJMP.
Tama ang NAAC sa paghiling sa agarang imbestigasyon sa anomalyang ito para maipakita ng Pangulo na wala siyang sinasanto sa kanyang pamahalaan at handang kasuhan at parusahan ang mga opisyal na lumalabag sa batas.